Mensahe na ngayon lang nabuksan ng asawa, umantig online: “Nay! Maraming salamat din sa lahat”

Image by Nestor Flores Mangila Jr. via Facebook
  • Naging emosyonal ang isang lalaki nang mabasa ang nakaaantig na liham mula sa kanyang asawa
  • Sumakabilang-buhay ang kanyang asawa noong Agosto
  • Nakasaad sa liham: “Mahal kita.. Yung mga plans natin hangga’t may buhay tatay kaya yan”

Naging emosyonal ang isang padre de pamilya na si Nestor Flores Mangila Jr. makaraang mabuksan kamakailan lamang ang nakaaantig na mensahe mula sa kanyang namaalam nang asawa dahil sa Big C.

Image by Nestor Flores Mangila Jr. via Facebook

Pahayag ni Nestor sa Facebook, “This is the saddest and most beautiful letter/note I’ve received from you. Ayaw tumigil ng luha ko nung mabasa ko ‘to. Akala ko hindi ko mauunlock, Nay! Maraming salamat din sa lahat, someday things will get better, magiging okay din ako — kami.”

Noong nakaraang taon pa isinulat ng kanyang asawa ang liham kung saan humihingi ito ng paumanhin sa mga pasakit na naibigay niya sa asawa na madaragdagan pa sa kanyang napipintong paglisan.

Nakasaad pa rito na nakatulong naman ito para maging mas matibay ang asawa para sa kanilang mga anak. Nakahanda na umano niyang tanggapin ang kapalaran, pero patuloy niyang babantayan ang kanyang pamilya kung papayagan ng Diyos pero sa tingin niya’y hindi, para maka-move-on ang asawa.

Ani pa ng babae, nag-aalala siya na baka mawala ang alaala niya at makalimutan ang pagiging ina at ang mga anak.

“Mahal kita.. Yung mga plans natin hangga’t may buhay tatay kaya yan.. I may not be beside you during your triumphs pero always keep in your mind na I’m just right where I am with you. I’m your number 1 fan.”

Image by Nestor Flores Mangila Jr. via Facebook

Sinabi rin na binibigyan niya ng laya ang asawa na magkaroon ng panibagong partner dahil kailangan niya ito at para na rin magkaroon ng “second nanay” ang mga anak.

“I’ll be ok.. You’ll be ok.. the kids gonna be ok.. I’ll guard them if I can.. Go on with your life.. atleast I keep the promise.”

Dagdag pa nito, “Mahal kita.. Mahal ko kayo.. Maraming maraming salamat.. ‘Thanks for the adventure, now go have a new one.'”

Image by Nestor Flores Mangila Jr. via Facebook

Nag-trending naman ang update na nakakuha na ng higit 88,000 reaksyon at nasa 51,000 pagbabahagi habang ipino-post ito.

Sabi ng isa, “You are blessed. Even during this sad time, you are blessed. Not everyone is given this kind of love. God is good, everything will heal in His time. Be strong and be of good courage, the Lord is with you.”

Image by Nestor Flores Mangila Jr. via Facebook

Loading…