Metro Manila mananatili sa GCQ hanggang October 31

Imahe mula sa Radyo Todo
  • Isang buwan pang mananatili sa GCQ ang Metro Manila – mula October 1 hanggang October 31
  • Tulad ng Metro Manila, nasa GCQ rin ang Batangas, Tacloban City, Bacolod City, iligan City at Iloilo City
  • Ang Lanao Del Sur, kabilang ang Marawi City, ang tanging nasa ilalim ng mas mahigpit na MECQ

Inanunsiyo ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na ang Metro Manila ay isang buwan pang mananatili sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) – mula October 1 hanggang October 31, 2020.

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM

Unang isinailalim sa GCQ ang Metro Manila noong June 1, subalit inilagay ito sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) noong unang dalawang linggo ng Agosto upang bigyan ang healthcare workers ng panahon na makapagpahinga at makapagplano ng mabuti sa pagtugon sa health crisis.

Nagsimulang bumaba ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila matapos ang dalawang linggong MECQ kaya ibinalik ito sa GCQ mula August 15 hanggang September 30.

Suportado ng Metro Manila mayors ang pagpapalawig ng GCQ hanggang October 31 upang mapanatili ang bumabagal na reproduction rate ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang growth rate ng COVID-19 cases sa Mero Manila ang isang pinagbatayan ng pagpapalawig ng GCQ status nito.

Imahe mula sa PCOO

Tulad ng Metro Manila, ang Batangas, Tacloban City at Bacolod City ay mananatili pa rin sa GCQ. Ang Iligan City at Iloilo City naman ay magluluwag na ng quarantine status at isasailalim na rin sa GCQ mula sa dating MECQ.

Tanging ang Lanao Del Sur, kabilang ang Marawi City, ang pananatilihin sa ilalim ng MECQ.

Ang iba pang probinsya at highly urbanized cities na natitira ay nasa ilalim na ng mas maluwag na modified general community quarantine.

Imahe mula sa BPP
Source :

Inquirer, ABS-CBN

Loading…