Mga cute na miniature establishments para sa mga daga kinaaaliwan sa Sweden

Imahe mula sa TT News Agency
  • Tiny mouse-sized na architectural masterpieces kinaaaliwan sa Sweden
  • Ang mga miniature street installations ay nakakalat sa iba’t ibang lugar sa Sweden
  • Ang mga obra ay gawa ng grupo ng mga artists na tinatawag na AnonyMouse

Noong taong 2016 pa unang gumawa ng mga miniature establishments na para sa mga daga ang “AnonyMouse” — isang grupo ng mga artists sa Sweden, ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa ring nasusurpresa ang mga nakakakita ng tiny street installations na ikinakalat sa iba’t ibang lugar sa naturang bansa.

Imahe mula sa Anonymouse

Ang kauna-unahang mouse-sized architectural masterpiece na ginawa ng grupo na lumitaw sa bayan ng Malmo noong December 2016 ay isang nut shop at Italian restaurant. Magmula noon ay isinilang ang marami pang mga nakamamanghang obra ng grupo tulad ng gas stations, record store, amusement park at ang pinakabago ay botika.

Dahil sa liit ng mga obra ay kailangan mong umupo o lumuhod upang ma-appreciate ang ganda ng mga miniatures na makikita sa mga tabing kalsada.

Ayon sa isang miyembro ng Anonymouse, nagsimula ang paggawa nila ng miniatures nang mapag-usapan nila na sama-samang gumawa ng isang bagay.

Nakakuha sila ng inspirasyon sa mga “mundo” na gawa ng Swedish author na si Astrid Lindgren at sa mga animated films ng Disney at ni Don Bluth kung saan ang mga maliliit na nilalang ay namumuhay sa isang mundo kasabay ng mga tao at ginagamit ng mga nilalang na ito ang mga basura natin para sa ibang bagay.

Imahe mula sa Bored Panda

Wala naman daw hidden meaning sa kanilang miniature establishments. Nais lang nilang araw-araw na maghasik ng magic para sa mga pedestrians; mga bagay na nais mong makita o matagpuan noong panahong ikaw ay bata pa.

Masaya ang mga miyembro ng AnonyMouse na maraming mga magulang ang nabigyan nila ng inspirasyon na nagsimula na ring gumawa ng mga miniatures kasama ng kanilang mga anak.

Imahe mula sa TT News Agency

“When we did the first installation we had no idea that it would be as appreciated as it became. We thought that a handful of people would find it cute. And since then we’ve ventured to places we never thought we’d see. And we’ve received photos from all over the world of people who have made their own tiny stores. So it’s continuing to be quite a ride,” sabi ng isang miyembro ng grupo.

Bilang komentaryo sa kasalukuyang health crisis, ang grupo ay gumawa ng isang miniature na botika.

Imahe mula sa AnonyMouse

Tunay na nakatutuwa, ‘di ba? Nabitin ka ba? Panoorin ito at silipin ang kanilang mga ibinahaging larawan at videos sa Instagram!

Loading…