Mga guro, kawani ng DepEd bibigyan ng monthly internet allowance

Imahe mula sa DepEd
  • DepEd, pinaghahandaan ang posibilidad na mabigyan ng monthly internet allowance ang mga guro at non-teaching personnel
  • Kailangan munang gumawa ng batas ang Kongreso ukol sa pagbibigay ng internet allowance
  • Nangako naman ang mga mambabatas na susuportahan ang DepEd sa pamamagitan ng paggawa ng batas hinggil sa monthly internet allowance

Naghahanda na ang Department of Education (DepEd) sa posibleng pagbibigay ng internet allowance sa public school teachers at iba pang kawani ng kagawaran para sa blended learning na ipatutupad sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Imahe mula sa DepEd

Sa isinagawang budget hearing noong Martes, ika-15 ng September, nakiusap si DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla sa mga mambabatas mula sa House of Representatives na gawing legal ang pagbibigay ng internet allowance.

Ipinaliwanag ni Usec. Sevilla na sa pagbibigay ng allowance, kailangan muna nitong dumaan sa proseso ng Department of Budget and Management at ng Commission on Audit.

“We are just complying with whatever would be authorized as an allowance kasi meron din batas dito kagaya ng Salary Standardization Law na in-enumerate kung ano lang ang valid allowances,” aniya.

“Automatic po ‘yan, magkakaroon po tayo ng COA finding kapag nagbigay tayo ng allowance na hindi naman po nakalagay sa General Appropriations Act at Salary Standardization Law,” dagdag pa ni Usec. Sevilla.

Imahe mula sa DepEd

Nangako naman si Marikina Representative Stella Quimbo na susportahan ng mga mababatas ang DepEd sa pamamagitan ng paggawa ng batas sa pagbibigay ng monthly internet allowance sa mga guro at non-teaching personnel.

Ang ipinanukalang halaga ng internet allowance ay nasa pagitan ng P350 at P500 kada buwan, ngunit nilinaw ni Usec. Sevilla na hihingi sila ng ekspertong opinyon hinggil sa internet service offers.

“For now, ang inuuna namin humingi ng authorization from DBM  and the COA kasi  ang policy na ganito ay kailangan mag-emanate from them,” aniya.

Samantala, nanindigan ang DepEd na walang academic freeze na ipatutupad ngayong taon sa kabila ng panawagan ng ilan na kanselahin ang school year 2020-2021 dahil sa pandemya.

Imahe mula sa DepEd

Loading…