Mga langgam ibinebenta sa isang shop sa Singapore sa halagang $200

Imahe mula sa Unsplash
  • Habang ang ilan ay takot sa mga langgam, may isang shop sa Singapore na nagtitinda ng 30 species ng mga ito sa halagang $200
  • Ayon sa may-ari ng ant shop, naisipan niyang gawin ito upang maturuan ang mga kabataan tungkol sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga langgam sa ecosystem
  • Bukod dito, may mga katangian din ang mga langgam na dapat pamarisan ng mga tao kagaya ng pagiging masipag ng mga ito

Kung marami ang ilag sa mga langgam dahil masakit itong mangagat, may isang shop naman sa Singapore na ibinebenta pa ang mga ito sa halagang $200.

Imahe mula sa Unsplash

Sabi ng Just Ants founder na si John Ye, naisipan niyang gawin itong hanapbuhay nang sa gayon ay maturuan din ang mga kabataan tungkol sa kahalagahan ng mga langgam sa ecosystem.

“I am trying to change the misconception and educate, you know, young people, children, that actually ants are very enriching. They are so important in the ecosystem and they are actually here for a reason,” sabi ni Ye sa isang panayam sa Reuters.

Bukod sa layuning magbigay kaalaman, batid niya rin na may mga katangian ang mga langgam na dapat pamarisan.

Imahe mula sa Unsplash

“If we could actually just learn from the humble ant, there are so many things that the ant could teach us like perseverance, being headstrong. I mean, the list just goes on. The ant itself is really amazing,” dagdag ni Ye.

Dinagsa naman ng kapwa ng ant lovers at mga curious lang ang shop kung saan may ibinebentang aabot sa 30 species nito.

“It is crazy, definitely it is crazy. If you told me that somebody loves it so much, maybe it is a special trait to them,” sabi ni Alvin Teng na isa sa mga pumunta sa ant shop.

Panoorin ang video ng Reuters sa Twitter:

ICLICK ang imahe para sa video via Twitter
Source :

GMA News, Twitter

Loading…