Mga lumang bote ng serbesa na natagpuan sa isang kweba libo-libo ang halaga

Screenshot mula sa KMJS video
  • Espesyal na bote ng serbesa natagpuan sa isang kweba sa Bohol
  • Ang mga bote ay maibebenta sa halagang mula P2,500 hanggang mahigit P30,000 kada piraso depende sa kondisyon nito
  • Ang mga espesyal na bote na kinahuhumalingan ng mga kolektor ay bote ng Halili Beer na gawa noon pang 1950s

Hindi akalain ng mga residente sa Bohol na ang isang kuweba sa kanilang lugar ay may natatagong kayamanan. Hindi iyon ginto o anumang uri ng mamamahaling hiyas kundi bote ng beer.

Screenshot mula sa KMJS video

Ang bote ng serbesa ay maibebenta raw sa mga kolektor sa halagang mula sa P2,500 hanggang mahigit P30,000 kada piraso, depende sa kondisyon nito. Ang hitsura ng mga bote sa kweba ay katulad lang ng mga pangkaraniwang beer bottle na hindi maibenta sa mga junk shop at kung mabibili man ay piso lang ang isa.

Ayon sa isang residente, may nakapagkuwento sa kanya na may isang uri ng espesyal na bote ng beer na ang halaga ay hindi bababa sa P10,000. Dahil sa narinig ay naalala niya ang kweba sa kanilang lugar na maraming bote ng alak na nagkalat.

Kasama ang ilang kaibigan ay pinasok nila ang kweba at naghanap ng mga bote ng serbesa. Hindi sila nabigo. Nakakuha sila ng ilang piraso ng bote ng Halili Beer na may nakatatak na kalabaw at mga gusali. Makikita rin ang nakatatak na taong 1950.

Screenshot mula sa KMJS video

Naibenta nila ang mga natagpuang bote sa halagang P2,500 dahil may mga basag na iyon.

Dahil sa pagnanais na maka-jackpot ay muling binalikan ng grupo ang kweba at muling naghanap ng espesyal na bote. Ang tatlong nakuha nila ay may pingas rin sa bahaging leeg ng bote, pero binayaran ito sa kanila ng isang kolektor sa halagang P11,000.

Panoorin ang video ng KMJS upang malaman kung bakit maraming Halili Beer bottles sa loob ng kweba sa Bohol.

Source :

YouTube

Loading…