Mga mag-aaral kailangang mag-sharing sa paggamit ng self-learning modules dahil kulang ang budget ng DepEd

Imahe mula sa DepEd
  • Dahil sa kakulangan ng budget ay “on rotation basis” ang paggamit ng self-learning modules
  • Dalawa hanggang apat na estudyante ang magpapalitan ng paggamit ng modules
  • Umapela ang DepEd ng karagdagang P10 billion budget para sa printing ng self-learning modules

Kailangang maghiraman ang ilang mga mag-aaral sa isang set ng self-learning modules dahil kulang ang pondo ng Department of Education (DepEd) para sa printing ng nabanggit na mga learning materials.

Imahe mula sa DepEd

Sa ginanap na hearing ng House Committee on Appropriations para sa budget ng DepEd, sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na ang modules para sa ilang subjects ay gagamitin ng mga mag-aaral “on rotation basis.”

“The other thing that I was saying, I know there are reservations from a lot of people, is the idea  of using the modules on rotation basis,” ani San Antonio.

Tiniyak ni Usec. San Antonio na idi-disinfect muna ang self-learning modules na ginamit ng mga estudyante bago iyon ipagamit sa susunod na grupo ng mga mag-aaral.

Nagpahayag ng pagkabahala si ACT Teachers Partylist Representative France Castro sa ipinahayag ni Usec. SanAntonio. Kinuwestyon niya kung bakit ang module-to-student ration ay hindi 1:1.

Sagot ni Usec. San Antonio ay pinapayagan naman na hanggang apat na estudyante ang magpapalitan sa paggamit ng isang self-learning module.

Imahe mula sa DepEd

“That is allowed. At most four but ang sinasabi namin two learners can use it,” aniya.

Ipinaliwanag ni Usec. Annalyn Sevilla na ang proposal ng DepEd para sa budget ng printed self-learning modules ay P34 billion, subalit ang inaprubahan lang ng Department of Budget and management ay P15 billion at karagdagang P5 billion para sa unprogrammed projects.

“So, we are readjusting our plan so that we can have a production of the self-learning materials with this amount which was given to us,” ani Usec. Sevilla.

Umapela si Sevilla sa mga mambabatas ng karagdagang P10 billion budget upang ang lahat ng mga estudyante ay magkaroon ng sarili nilang kopya ng self-learning modules.

Imahe mula sa DepEd

Loading…