Mga nagtatagayan sa kalsada nabuking dahil sa sumbong ng netizen sa Facebook page ng JTF COVID Shield

Imahe mula sa JTF COVID-Shield
  • Labing-anim na partygoers naaktuhang nagtatagayan sa kalsada dahil sa sumbong ng isang social media user
  • Nagpadala ng mga larawan ng violations ang netizen sa social media account ng JTF COVID Shield
  • Iyon ang unang operasyon ng JTF COVID Shield mula nang gumawa ito ng social media account upang tumanggap ng mga sumbong tungkol sa mga lumalabag sa quarantine rules

Nabisto ang paglabag ng labing-anim na tao kabilang ang isang menor de edad sa ipinatutupad na quarantine at health protocols dahil sa sumbong ng isang social media user sa Facebook account ng Joint Task Force COVID-Shield.

Imahe mula sa JTF COVID-Shield

Iyon ang unang operasyon ng JTF COVID Shield mula nang gumawa ito ng social media account upang tumanggap ng mga sumbong tungkol sa mga lumalabag sa quarantine rules.

BASAHIN: JTF COVID Shield gumawa ng FB account kung saan maaaring i-report ng netizens ang mga quarantine violators

Sa isang pahayag, sinabi ni JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar na dahil sa maagap na sumbong ng isang netizen na may kalakip pang mga larawan ng paglabag ay agad nadakma ang mga violators na nasa isang birthday party sa Taguig City.

Ang labing-anim na partygoers ay naaktuhan ng mga operatiba ng Hagonoy Police Sub-Station 9 sa Bicutan, Taguig City noong September 12, 2020 na nagtatagayan, at ang iba ay walang suot na face mask at walang social distancing.

“When the police personnel went there, those who attended the birthday celebration were having a drinking session on the street which is a public place, were not wearing face masks and not observing the proper physical distancing,” pahayag ni Lt. Gen. Eleazar.

Imahe mula sa JTF COVID-Shield

Dinala ang mga partygoers sa basketball court ng barangay na nagsisilbing holding area para sa mga quarantine rules violators at pinakawalan matapos ang anim na oras.

Sasampahan sila ng reklamong paglabag sa Taguig City Ordinance Number 27-89 o Drinking in Public Places at paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code  o Resistance and Disobedience to a Person in Authority).

Loading…