Mga paaralan bukas na sa Wuhan, ang orihinal na sentro ng pandemic

Screenshot mula sa Sharjah 24 News video
  • Dumagsa ang mga estudyante sa Wuhan, China nang muling buksan ang mga paaaralan noong September 1, 2020
  • Bago buksan ang mga paaralan ay isinailaim sa virus test ang mga estudyante at school staff
  • May nakahandang plano ang mga paaralan na magbalik sa online classes sakaling magkaroon ng panibagong COVID-19 outbreak

Nakasuot ng face mask bilang proteksyon, nagbalik na sa mga paaralan ang mga estudyante kasunod ng pagbubukas ng 2,840 primary at middle schools sa Wuhan City sa China noong Martes, Ika-1 ng Setyembre.

Screenshot mula sa Sharjah 24 News video

Ang High School sa nasabing siyudad ay noong May pa nagsimula ng klase.

Tinatayang nasa 1.4 million ang mga estudyante sa mga paaralan sa Wuhan ang dumagsa sa class opening.

Bago pumasok sa loob ng paaralan ay kinukuhanan muna ng temperature ang bawat estudyante sa pamamagitan ng pagdaan sa mga thermal scanners at kailangang magpahid ng alcohol sa kamay. Tinuruan din sila ng tamang paraan ng paghuhugas ng mga kamay.

Ayon sa mga city officials, may nakahandang plano ang mga paaralan na bumalik sa online classes kung sakali mang magkaroon ng panibagong COVID-19 outbreak. Inatasan umano ang mga schools na magsagawa ng mga drills upang maging handa ang lahat sa bagong outbreak.

Screenshot mula sa Sharjah 24 News video

Ang mga estudyante ay inabisuhan na palaging magsuot ng face mask papasok at pauwi ng paaralan. At hangga’t maaari ay iwasan muna ang pagsakay sa public bus at train.

Sinabi ng mga school officials na bago bumalik ng paaralan ng mga mag-aaral at mga school staff ay isinailalim silang lahat sa virus test at ang mga campus ay sinigurong malinis at na-disinfect.

Screenshot mula sa Sharjah 24 News video

Halos lahat ng mga paaralan sa buong China ay nagsimula nang magbukas, maliban lang sa Xinjiang Region kung saan maraming siyudad ang nanatili pa ring naka-lockdown matapos magkaroon ng bagong outbreak mahigit isang buwan na ang nakararaan.

Source :

YouTube, Inquirer

Loading…