Mga Pinoy billionaires nabawasan ang yaman dahil sa COVID-19 pandemic

Imahe mula sa Lamudi
  • Grabe ang pinsalang idinulot ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya
  • Halos lahat ng mga negosyo ay naharap sa malaking problema dahil sa pandemya
  • Maging ang mga pinakamayayamang Pinoy ay apektado rin ng pandemic

Napakalaking pinsala ang idinulot ng COVID-19 pandemic sa ekonomiya na nagbigay ng walang katulad na problema sa halos lahat ng mga negosyo. Apektado rin nito maging ang mga pinakamayayamang mamamayan na ang kayamanan ay nabawasan ngayong taon.

Imahe mula sa Megaworld

Batay sa ginawa ng Forbes na listahan ng pinakamayayamang tao sa Pilipinas para sa taong 2020, ang pinagsama-samang yaman ng 50 wealthiest Pinoys ay natapyasan ng 22% – mula sa dating $78 billion noong nakaraang taon ay bumaba ito ngayon sa $60.6 billion dahil sa coronavirus pandemic.

Sa nasabing listahan, nabawasan ang yaman ng 32 sa 50 richest Pinoys.

Ang magkakapatid na Sy ng SM Group ang may pinakamalaking tapyas sa kanilang yaman. Ang net worth nila ay $13.9 billion. Mas mababa ito ng $3.3 billion kumpara noong nakaraang taon. Gayunpaman, sila pa rin ang pinakamayaman sa buong bansa.

Ang dating senador na si Manny Villar naman ang ikalawang pinakamayaman sa buong Pilipinas. Nabawasan ng $1.6 ang yaman niya. Ang net worth niya ay $5 billion.

Si Enrique K. Razon, Jr. na umakyat bilang ikatlong pinakamayaman sa bansa ay nabawasan ang yaman mula sa dating $5.1 billion, $4.3 billion na lang ngayon.

Imahe mula sa Forbes

Ang nakaranas ng pinakamalalaking pagbaba ng yaman ay ang banking tycoons. Ang net worth ng magkakapatid na Ty, may-ari ng GT Capital at Metrobank, ay nabawasan ng 46%, samantalang ang yaman ng may-ari ng Security bank na si Frederick Dy ay natapyasan ng 52%.

Thirty seven percent naman ang nabawas sa yaman ng fast food billionaire na si Tony Tan Caktiong ng Jollibee Foods Corp.

Source :

Forbes, MSN

Loading…