Mga plantito at plantita napa-“sana all” sa mga halaman ni Jinkee Pacquiao

  • Humanga na naman ang mga netizens kay Jinkee Pacquiao
  • Ipinakita niya kasi ang isa sa mga mamahaling halaman sa kaniyang garden
  • Napa-sana all tuloy ang mga plantito at plantita

Isa sa mga nakahiligan ng ilan sa mga Pilipino sa panahon ng community quarantine ay ang pag-aalaga ng halaman o pagtatanim. Kaya naman, nauso ang mga terminong “plantito at plantita” na nangangahulugang mga taong naging libangan ang pagtatanim o pangangalaga sa mga halaman sa kanilang bakuran, paso, o iba pang mga lalagyanan.

Karaniwan man o sikat, talaga namang nahilig sa paghahalaman. Isa na riyan si Jinkee Pacquiao, ang misis ng Pambansang Kamao na si Senador Manny “Pacman” Pacquiao. Ibinida ni Jinkee ang kaniyang mga mamahaling halaman sa kaniyang mga social media accounts na Facebook at Instagram. Biro ng mga netizens, tila nabili na raw niya ang “enhancted forest.”

Imahe mula sa Facebook/Instagram accounts ni Jinkee Pacquiao

“When you woke up this morning, God gave you a gift called ‘today.’ Always remember how precious this gift is because you can never get back the time that has gone by,” ayon sa caption ng kaniyang post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

“Wow! Very relaxing and soothing to the eye pictures… love it madam…” papuri ng isa.

Turan naman ng isa, “Mabuti na lang nakakaintindi si Pacquiao dahil alam niya kung masaya ang asawa niya masaya rin sya. May pambili sila so why not? Nagkasama sila sa hirap at ginhawa. Sinuportahan nya ang asawa sa mga tinahak sa boxing at tinatahak sa buhay. Ano man gawin nila, buhay nila ‘yan.”

“It’s beautiful but not really expensive! I have the same kind of plant but smaller. It shouldn’t really be a subject of so many negative comments. Let’s strive to keep the peace! Sobrang dami na nating problema sa mundo,” wika naman ng isa.

Samantala, nagpaabot naman ng paghanga sa kaniya at sa kaniyang mga halaman si Divine Diva Zsa Zsa Padilla, sa comment section ng Instagram post ni Jinkee.

“Gorgeous you plus gorgeous garden,” ayon kay Zsa Zsa.

Imahe mula sa Facebook/Instagram accounts ni Jinkee Pacquiao

Kung susuriin ang mga larawang ibinabahagi ni Jinkee sa kaniyang mga social media accounts, talagang masasabing napakahilig niya sa mga pananim.

Loading…