Mga sabungero nakatakas dahil sa pagsigaw ng babae na may paparating na PNP raiding team

Imahe mula sa Google Sites
  • Babaeng lookout ng mga nagsasabong sa Carcar City, pananagutin
  • Sinampahan ng kasong obstruction of justice ang babae nang bigyan niya ng babala ang mga nagsasabong na parating na ang mga awtoridad
  • Nakatakas ang halos lahat ng mahigit 20 kalalakihan na nagsasabong maliban sa dalawang nadakma ng raiding team

Sasampahan ng kasong obstruction of justice ang isang babae na nagsilbing lookout at nagbigay ng babala sa grupo ng mga kalalakihan na nagsasagawa ng “tigbakay” o ilegal na sabong sa Sitio Tulinda, Barangay Napo, Carcar City sa Cebu noong Linggo, ika-27 ng Setyembre.

Imahe mula sa Mindanews

Kinilala ni Police Corporal Argie Noel Espinoza ng Carcar City Police Station ang babae na si Mercy Ginandoy, 51 anyos, at naninirahan sa nabanggit na barangay. Wala na ang babae sa bahay niya nang puntahan ito ng mga awtoridad.

Ani P/Cpl. Espinoza, sasampahan pa rin ng kaso si Ginandoy kahit “at large” ito.

Kasong illegal gambling naman ang isasampang kaso sa dalawang sabungero na nadakma sa isinagawang operasyon.

Sabi ni P/Cpl. Espinoza, sumigaw daw si Ginandoy na parating na ang raiding team kaya nakatakas ang karamihan sa mga sabungero na hindi bababa sa 20 ang bilang.

“Kani si Mercy ni syagit ni siya og ‘Naay mga police’ pag abot sa mga pulis sa area. Mao to nga perting dagan sa mga nag tigbakay og wala nagyud na abtan sa kapolisan maong apilon sad ni siyag kaso,” sabi ni P/Cpl. Espinoza.

Imahe mula sa Carcar City Police

[Sumigaw si Mercy na “nandito na ang mga pulis” nang dumating sa area ang pulisya. Kaya nagpulasan at nakatakas ang mga nagti-tigbakay. Ito ang dahilan kung bakit kasama siya sa kakasuhan].

Ang dalawang sabungero na nahuli ay kinilalang sina Alberto Diez, 34 anyos, na residente ng Barangay Poblaciom sa Sibonga at si Teodulo Labajo Ginandoy 57 anyos na diumano ay kaanak ni Mercy Ginandoy.

Bukod sa illegal gambling charge ay sasampahan din ang dalawa ng paglabag sa Bayanihan Act dahil sa hindi pagsusuot ng face mask at pag-uumpukan.

Loading…