Milyon-milyong halaga ng mga gulay na hindi maibenta ipinamigay na lang ng mga magsasaka

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Milyon-milyong halaga ng mga gulay na hindi maibenta libreng ipinamigay sa Benguet
  • Mahigit 50,000 farmers ang apektado ng kawalan ng mga turista at biyaherong bumibili ng mga gulay
  • Inanyahahan ni Mayor Romeo Salda ang publiko na magtungo sa harap ng munisipyo upang makakuha ng libreng gulay

Libreng ipinamigay ng mga magsasaka sa lokal na pamahalaan ng La Trinidad, Benguet ang kanilang mga panindang gulay na hindi maibenta dahil sa kawalan ng mga mamimili.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Umabot na umano sa mahigit 50,000 farmers ang apektado dahil sa kawalan ng mga turista at mga biyaherong bumibili ng kanilang mga produkto.

Ayon kay Mayor Romeo Salda, ipinamigay na lang ng mga magsasaka ang milyon-milyong halaga ng mga gulay na hindi maibenta upang ang lokal na pamahalaan na lang ang magpamahagi ng mga iyon sa mga residente.

Ang pagbagsak ng presyo ng mga gulay ay isa ring dahilan ng mga magsasaka na i-donate na lang ang kanilang mga ani. Wala umanong dumarayo sa La Trinidad Trading Post upang mamili ng mga gulay na dapat ay dadalhin sa Maynila at iba pang panig ng Luzon.

Sinabi ni Mayor Salad na noon pang buwan ng Abril nagsimulang ipamigay ng mga magsasaka ang mga produkto nila.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Aniya, noong una ay binibigyan nila ng isang sakong bigas, kaunting cash, pang-gasolina at pang-krudo ang mga farmers upang kahit paano ay makabawi sa kanilang ipinuhunan, ngunit ngayon ay wala nang natatanggap ang mga ito na kapalit sa kanilang donasyon.

Nilinaw ng alkalde na ang kanilang ibinibigay noon ay hindi naman maituturing na bayad sa mga gulay na donasyon, kundi kaunting tulong lang mula sa lokal na pamahalaan.

“It is not payment and not even remuneration for the cost of the vegetables they give. But a little help to them who lost capital for the unsold vegetables,” paglilinaw ni Mayor Salda.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Inanyayahan ng mayor ang publiko na magtungo lang sa harap ng munisipyo upang makakuha ng libreng gulay. Ang ibang mga gulay ay ipinamigay sa ilang barangay sa Baguio City na naka-lockdown.

Source :

PNA, YouTube

Loading…