Misis isinalaysay ang karanasan nilang mag-asawa tungo sa pagkakaroon ng pangarap na bahay

  • Isinalaysay ng isang misis ang mga pinagdaanan nila ng mister upang makamit ang kanilang pangarap
  • Mga bata pa lamang sila, pinag-uusapan na nila ang pagkakaroon ng sariling bahay
  • Matapos ang napakaraming mga taon, naabot naman nila ito

Kinakiligan ng publiko ang mahabang salaysay ng isang misis na alay niya para sa kaniyang pinakamamahal na mister, na nagsilbing patotoo o testimonya kung paano nila nakamit ang kanilang pangarap na pagkakaroon ng sariling bahay.

Dahil nagdiriwang ng 16th anniversary bilang couple, naisipan ni “Ricca Cruz Del Rosario” na ibahagi sa kaniyang Facebook post ang mga kuhang larawan ng kanilang ipinatayong bahay, na noon ay pangarap lamang nilang mag-asawa. Nauwi na tuloy ito sa pagsasalaysay niya ng kanilang pinagdaanan noong magkasintahan pa lamang sila, ikasal, bumuo ng sariling pamilya, at sa huli, makapagpatayo ng sari-sariling negosyo at “home-sweet-home.”

Imahe mula sa Facebook account ni Ricca Del Rosario

Nasa hayskul pa lamang daw sila bilang magkasintahan, napag-uusapan na umano nila ang pagkakaroon ng tahimik na pamilya, at sariling bahay. Hanggang sa magdalantao ang misis at pinili nilang magpakasal. Magarbo ang kanilang naging kasal, kaya’t nagkabaon-baon umano sila sa utang. Kahit ganito, pinili pa rin nilang mangupahan sa apartment at hindi nakipisan sa kani-kanilang mga magulang.

Naranasan daw nila ang mangupahan sa mga apartment, magbayad ng kanilang mga utang, at dumiskarte upang mapalago ang kanilang pinansyal na pangangailangan. Naging online seller ang misis ng mga damit, na matiyaga niyang binibili sa mga tiyangge. Ang kaniyang mister naman ay nagbebenta ng bigas sa mga canteen.

Nang pumatok ang online selling ni Ricca, nagbitiw na siya sa kaniyang trabaho. Ang mister naman niya na isang Engineer ay nagtayo ng isang maliit na construction company, na naging matagumpay naman.

“Fast forward to 2020… Tatlo na ang anak natin. Masasabi kong successful na rin ang businesses natin pareho, considering na we started from literally nothing but our diplomas. Masaya na tayo noon pa man pero mas masaya tayo ngayon dahil kahit papano ay may kakayahan na tayo to give back,” aniya.

Imahe mula sa Facebook account ni Ricca Del Rosario

Kaya naman, labis-labis ang pasasalamat ng misis sa kaniyang soulmate na mister, na aminadong first love nila ang isa’t isa.

“May bahay na po kami sa wakas! Salamat po sa lahat ng nakasuporta sa amin simula noon. Salamat sa pamilya namin, mga kaibigan at mga katrabaho. Sana makapagsama-sama na ulit tayo soon,” aniya.

Ipinasilip ni Ricca ang loob at labas ng kanilang ipinagagawang napakalaking bahay na may malawak na bakuran, at may swimming pool pa.

Sabi nga, libre lamang ang mangarap kaya gawin lamang ito, ngunit huwag panatilihing pangarap lamang, dahil kailangang gumawa ng mga hakbang upang matupad.

Source :

Facebook

Loading…