Miss Universe PH – Sorsogon Maria Isabela Galeria nagpositibo sa COVID-19

Imahe mula sa Instagram ni Maria Isabela Galeria
  • Nagpositibo sa coronavirus ang kinatawan ng Sorsogon sa Miss Universe Philippines 2020
  • Kinumpirma ito ng Sorsogon beauty sa kaniyang Instagram post
  • Kasalukuyan na siyang nasa isolation facility at humihingi ito ng paumanhin at pang-unawa

Isang malungkot na balita ang ibinahagi ng kinatawan ng lalawigan ng Sorsogon sa Miss Universe Philippines na si Maria Isabela Galeria sa kaniyang mga tagahanga at kababayan.

Sa isang Instagram post nitong Linggo, kinumpirma ni Isabela na nagpositibo siya sa coronavirus sa kabila umano ng ibayong pag-iingat nito.

Screenshot mula sa Instagram

“With so much sadness in my heart, I regret to inform you that I tested positive for COVID-19 rtPCR. This news breaks my heart deeply and I apologize if ever I put you at risk,” ani Isabela.

Sinunod naman daw niya ang lahat ng safety precautions para makaiwas sa infection subalit nahawaan pa rin siya ng virus sa hindi malamang dahilan.

Nakausap na rin umano niya ang lahat ng kaniyang nakasalamuha sa Miss Universe Philippines (MUP) at ngayon ay kasalukuyan na siyang nasa isolation facility.

“I have spoken with those that I saw recently. My team, my MUP sisters and those I had close contact with in Manila all tested Negative,” wika ng Sorsogon beauty.

Imahe mula sa Instagram

“I ask whoever came into close contact with me to please inform your City/Municipal Health Officers and their team to check on your condition. Hoping that I did not pass on to you the virus,” dagdag pa nito.

Humingi rin ng pang-unawa at paumanhin ang magandang Bikolana sa lahat ng maaari niyang nakasalamuha at nakausap.

“I am truly, deeply sorry. Kindly find it in your hearts to include me and my family in your prayers,” wika pa nito.

Samantala, nilinaw naman ni MUP events and creative director Jonas Gaffud na nananatili pa rin sa kompetisyon si Isabela sa kabila ng pangyayari.

“Yes she is still in the competition. We have to await her pcr test on the 8th of October. Kawawa nga siya,” ayon kay Gaffud.

Ang Miss Universe Philippines finals ay gaganapin sa October 25 kung saan paglalabanan ng 50 kandidata mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang korona at karangalang katawanin ang Pilipinas sa Miss Universe 2020.

Loading…