Modules na gumamit ng ‘mahalay’ na mga pangalan aprubado umano ng diocese, ayon kay Roque

Image by Harry Roque via Facebook
  • Ipinasa ni Roque sa Simbahang Katolika ang pagpapaliwanag tungkol sa kontrobersiyal na modules
  • Aprubado raw ng diocese ang modules na nagmula sa isang Catholic school
  • Nilinaw naman ni Sec. Leonor Briones na hindi sa DepEd nanggaling ang modules

Itinuro ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang Simbahang Katolika bilang responsable umano sa nag-viral na learning modules na gumamit ng mga bastos na pangalan sa kanilang mga tanong.

Sa panayam ng DZMM nitong Lunes, pinasinungalingan din ng tagapagsalita ng Palasyo na ginagamit ng Department of Education (DepEd) ang nabanggit na modules.

Imahe mula sa PCOO

“‘Di po ginagamit ng DepEd ‘yan. ‘Yan ay ginawa ng mga Katoliko pang eskuwelahan na aprubado pa ng diocese so pakitanong po ang arsobispo bakit nila inapprove ‘yan. Di po ‘yan for use ng DepEd,” wika ni Roque.

Ayon pa sa opisyal, sinabi na rin ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang modules ay nagmula sa isang Catholic private school.

“Katolikong eskuwelahan po iyan, gagamitin sa buong archdiocese na pinatatakbo ng Katolikong Simbahan,” ani Roque. “Siguro po ang dapat sumagot ay ‘yung liderato ng Simbahang Katolika, bakit sila nagbibigay ng ganyang module na may bastos.”

Imahe mula sa Facebook

Nag-viral sa social media ang learning modules matapos itong ibahagi ng isang Facebook user. Ayon sa netizen, ipinakita ito sa kaniya ng kaniyang 16 anyos na kapatid na babae at nagulat siya sa mga pangalang ginamit dahil mayroong ‘malisyosong’ pakahulugan.

Nilinaw naman ni Briones sa hindi galing sa DepEd ang naturang modules kung hindi sa isang review center sa Zambales.

“I just want to emphasize again that that post is not used in schools. In the first place, schools have not yet opened. It’s a review center located in a very remote place in Zambales…There is clearly malice involved,” ani Briones.

Nangako rin ang kalihim an aaksiyunan nila ang review center na sangkot sa kontrobersiya.

Loading…