MTRCB gustong i-regulate ang Netflix at iba pang online streaming services

  • Nais ng MTRCB na ma-regulate ang mga palabas sa Netflix at iba pang mga online streaming services
  • Ito ang ipinahayag ng legal affairs chief ng ahensiya sa Senate hearing kaugnay ng Internet Transactions Act
  • Iba-iba naman ang naging reaksyon at komento rito ng mga netizens

Sinabi ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Senado na payagan silang i-regulate ang nilalaman ng Netflix at iba pang mga online streaming platforms, batay na rin sa batas, lalo’t halos lahat ay maaaring magkaroo ng access dito sa pamamagitan lamang ng internet.

Ayon kay MTRCB legal affairs chief Jonathan Presquito sa Senate hearing hinggil sa panukalang Internet Transactions Act, gusto lamang nilang matiyak na ang nilalaman ng panoorin ng mga manonood ay naaayon pa rin  sa edad at nasa pamantayang moral pa rin ng tao.

Public Domain Image

“There is necessity for us to proceed with the regulation, especially during the lockdown most of us ang nag-maintain ng sanity natin yung mga (what kept our sanity are) streaming services, Netflix, iflix, but all those movies are unrated,” ayon kay Presquito.

Ipinagdiinan ni Presquito na ang distribusyon ng unrated motion pictures ay ikinokonsiderang ilegal ayon sa batas ng MTRCB. Samakatwid, walang anomang panoorin ang maaaring lumabas at mapanood ng mga manonood na hindi dumadaan sa pagsusuri at pagtataya ng ahensiya.

Ayon naman kay Senator Sherwin Gatchalian, na siyang may-akda ng bill, dahil ang sakop lamang ng kaniyang bill ay hinggil sa pagbili at pagtitinda ng video-on-demand, isang bukod na measure ang kinakailangang likhain para sa mga unrated motion pictures at regulasyon ng streaming sites.

Sagot naman ni Presquito, “We want an environment of growth… Let’s allow streaming services to flourish but how to balance that with the regulatory mechanism (is a concern).”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

Public Domain Image

“They’re so desperate to be relevant because of the limitations brought about by the pandemic, they don’t get that the contents have already been vetted and regulated before going live in the site,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “To those in the DARK, there is such a thing called PARENTAL CONTROLS under settings. It’s pretty self explanatory. Go figure!”

“Agree po ako rito sana lagyan din ng educational shows ang Netflix lalo na iyong mga interview at speeches ni Tatay Digong talagang nakaka-proud maging Pinoy,” saad naman ng isa.

Ikaw, sang-ayon ka ba sa panukalang ito ng MTRCB?

Loading…