Muling pagbuhay sa ilog Pasig bahagi ng Pasig River Expressway project ng SMC

Imahe mula sa WheelsPH
  • Bahagi ng PAREX project ng SMC ang makasaysayang paglilinis ng Ilog Pasig
  • Sinabi ni Ramon Ang na isa sa “most challenging” projects nito ang PAREX, subalit ito rin ang “most fulfilling”
  • Tinawag ni Ang ang proyekto bilang “solution within a solution”

Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) ang plano nitong paglilinis upang gumanda ang daloy ng tubig sa matagal nang polluted na Pasig River bilang bahagi ng Pasig River Expressway (PAREX) project nito na itatayo sa tabing-ilog.

Imahe mula sa Wikipedia

Sinabi ni SMC president at chief operating officer na si Ramon S. Ang na bukod sa konstruksyon ng PAREX na magbibigay ng direct link sa pagitan ng eastern at western Manila, pangungunahan din ng kumpanya ang paglilinis upang ibalik ang sigla ng Pasig River.

“Of all the projects we have done, this will perhaps be among the most challenging, and at the same time, the most fulfilling. Not only will we be building a much-needed direct link between eastern and western Metro Manila, but we will also be leading a historic effort to bring the Pasig River back to health,” sabi ni Ang noong Huwebes, September 3.

Tinawag ni Ang ang P94.5 –billion PAREX project bilang “solution within a solution.”

Paliwanag niya, upang maitayo ang six-lane elevated expressway sa kahabaan ng tabing-ilog ay dapat mahukay at maalis ang mga basurang ilang dekada nang nasa ilog upang makamtan ang tamang lalim nito at matiyak ang maayos na daloy ng tubig.

Imahe mula sa WheelsPH

Aniya, matutugunan din ng proyektong ito ang palagiang pagbabaha sa Metro Manila.

“For so many decades, even when I was young, the Pasig River had been synonymous to pollution. Many Filipinos have long wanted to clean it and revive it, bring it back to its old glory. There were even high-profile fund-raising projects and similar initiatives to clean it. But unfortunately, not much has changed,” ani Ang.

Ayon sa SMC, ang PAREX project ay matatapos sa loob ng tatlong taon sa ilalim ng 30-year build-operate-transfer scheme. Ang expressway ay magsisimula sa R10 (port area) hanggang sa C6. Ang biyahe mula sa Maynila hanggang sa Rizal ay inaasahang magiging 15 minutes na lang.

Magkakaroon  ito ng entry at exit points sa University Belt area, San Juan, Buendia, Mandaluyong, Makati, Rockwell, EDSA, Pioneer St., BGC, at C5, bago magtapos sa C6.

Imahe mula sa Philippines Tour Guide

Loading…