Myrtle Sarrosa natatanging Pinay na napabilang saTop 100 Ragnarok Gamers sa buong Southeast Asia

Imahe mula sa Facebook account ni Myrtle Sarrosa
  • Pasok si Myrtle Sarrosa sa Top 100 Ragnarok gamers sa buong Southeast Asia
  • Siya lang ang kaisa-isang babae sa hanay ng mga Pinoy Ragnarok gamers na napabilang sa nasabing listahan
  • Si Myrtle ay kilala rin bilang isang cosplayer

Ibinida ng aktres na si Myrtle Sarrosa na siya ang nag-iisang Pinay na nakapasok sa Top 100 Ragnarok Gamers sa buong Southeast Asia.

Imahe mula sa Gamer Braves

Nilinaw ni Myrtle na may iba pa namang mga Pilipino sa listahan, pero siya lang ang babae sa hanay ng mga mahuhusay ng Pinoy Ragnarok online gamers.

“Sobrang honor siya kasi last previous seasons walang Pilipino na nakapasok sa Top 100. Tapos ‘yung goal ko talaga for this season na kahit makapasok lang sa Top 600, pero together with my team mates and other Filipinos who played together with me nakapasok kami sa Top 100,” lahad ni Myrtle sa mga reporters na dumalo sa isang press conference.

Kuwento niya, nakalaban na rin niya sa paglalaro ng Ragnarok ang Asia’s Multimedia star na si Alden Richards at team mates nito. Pangarap raw niyang maging team mate sa paglalaro ang Kapuso actor.

“Sana maimbita ko siya to play together with me. I actually played against him. Sayang. I hope next time we can play together naman. Nakakatuwa ‘yun. Nakakatuwa ‘yung mga livestreams niya. I hope we can collaborate,” aniya.

Screenshot mula sa GMA video

Bukod sa paglalaro ng online games, aktibo  pa rin ang aktres sa cosplaying. Masaya niyang ibinalita na grupo ng mga Pinoy ang nanalo sa katatapos lang na Cosplay competition na ginawa sa South Korea.

Ang manager ng nagwaging mga Pinoy cosplayers ay kabigan ni Myrtle na nakilala niya noong nagsimula siya sa cosplaying noong 2009.

Screenshot mula sa GMA video

Excited na umano si Myrtle sa darating na Undas, ang “Halloween” ng bansa, dahil plano niyang idaos iyon sa pagsusuot ng costume na sarili niyang likha. Gagawa raw siya ng sariling version ni “Naruto.” At dahil may pandemya ay idaraos niya ang cosplaying sa loob ng bahay niya at ibabahagi na lang sa mga kaibigan niya ang experience sa pamamagitan ng Zoom.

Imahe mula sa Facebook account ni Myrtle Sarrosa

Loading…