Nagtatampong GF nakatanggap ng isang kartong regalo mula sa BF, netizens napa-‘sana all’

Image by Andrea Gela Bravo via Facebook
  • Boyfriend, niregaluhan ng isang kartong pagkain ang nagtatampong girlfriend
  • Girlfriend, natuwa sa regalo ni boyfriend at ipinost pa ang natanggap sa Facebook
  • Ani Andrea Gela Bravo, maganda rin ang magtampo kung minsan

Hanggang saan ang kayang gawin ni boyfriend para hindi na magtampo pa si girlfriend?

Napa-sana all na lamang ang maraming netizens nang ibahagi ni Facebook user Andrea Gela Bravo ang isang karton na naglalaman ng maraming pagkain, regalo umano ito ng kanyang boyfriend para hindi na siya magtampo pa.

Image by Andrea Gela Bravo via Facebook

Saad ni Andrea, maganda rin kung magtampo ang mga babae sa kanilang dyowa kung minsan.

Mapapansin na masaya ang mukha ng dalaga sa larawan; kumbaga’y natanggal ng mga regalo ang kanyang pagtatampo.

Kabilang sa mga nakalagay sa karton ang tsitsirya, chocolate drink, marshmallows, stik-o, at yogurt drink. Mayroon ding mababasa sa karton na huwag na umano siyang magtampo.

Nakasaad din na ipinadala ito ni John Jj Magbanua, na mahihinuhang siya ang boyfriend ng dalaga.

Nag-trending ang update na ito ni Andrea na nakalikom na ng higit 1,500 reaksyon at nasa 8,800 pagbabahagi habang ipino-post ito. Anang isang netizen, “Magtatampo na rin siguro ako. Hahaha.”

“Sana all. Hahaha na-spoil naman masyado ata ‘yung girlfriend,” sabi naman ng isa.

Post naman ng iba na ti-nag pa ang boyfriend na overseas worker, “Nagtatampo rin ako sa’yo. Gusto ko ng balikbayan boxes na puro appliances sana ang laman. Thanks.”

Image by Andrea Gela Bravo via Facebook

Solusyon nina Glaiza De Castro at Irish boyfriend sa kanilang “LDR” kinakiligan

Sa usaping mag-dyowa pa rin, papaano naman ang karanasan ng mga nakararanas ng long-distance relationship at hindi papupuwedeng magkita dahil sa quarantine kagaya ng aktres na si Glaiza de Castro?

Nakararamdam umano si Glaiza ng separation anxiety ngayon lalo pa’t ilang buwan na silang hindi nagkikita ng kanyang Irish boyfriend pero malaki pa rin ang pasasalamat niya na gumagawa ang lalaki ng paraan para magkausap sila virtually.

Ang sweet, ‘di ba?

Loading…