Namagitan noon kay Rustom Padilla at isang popular na aktor, ibinulgar ni BB Gandanghari

Screenshot mula sa vlog ni BB Gandanghari
  • Hindi sinasadyang nabulgar ni BB Gandanghari ang katauhan ng popular na aktor na nagkaroon umano ng romantic encounter kay Rustom Padilla
  • “Blind item” ang estilo ng paglalahad ni BB, pero dalawang beses niyang nabanggit nang hindi sinasadya ang pangalan ng sikat na aktor
  • Nainis naman si Lolit Solis sa ginawa ni BB Gandanghari

Sa vlog ni BB Gandanghari na pinamagatang “I Left My Heart In San Francisco” ay inilahad niya ang nangyaring romantic encounter sa pagitan ng dati niyang katauhan bilang hunk actor na si Rustom Padilla at isang napakapopular na aktor.

Screenshot mula sa vlog ni BB Gandanghari

Sinimulan ni BB ang vlog sa sa pagpapakita ng isang video ng tagpo sa loob ng Pinoy Big Brother house noong 2006 kung saan ipinagtapat ni Rustom ang tunay niyang pagkatao kay Keanna Reeves.

Sabi ni BB, ang lahat ng mga ibinulalas ni Rustom sa loob ng Pinoy Big Brother ay bunga ng pangyayari sa San Francisco kung saan naganap ang romance sa pagitan nila ng sikat na aktor.

Itinago pa niya sa pangalang David (Rustom) at Jonathan (popular actor) ang dalawa habang ikinukwento kung ano ang namagitan sa kanila sa America.

“Alam n’yo na kung sino si David at Jonathan, but just so maingatan natin ‘yung punto ng kuwento na this is still about love, excuse me, as far as Rustom is concerned. Hayaan natin itong tawagin na David and Jonathan para maiwasan ‘yung mga salitang nakakasakit,” ani BB.

Screenshot mula sa vlog ni BB Gandanghari

“Nag-umpisa bilang buddies, enjoying each other’s company. They just danced the whole night. It was a night to remember. Rustom, after a long time, genuinely felt cared for  hindi lang dahil kay P***o, pero lahat ng kasama niya at that time was really very… That made the night more memorable,” sabi pa niya na tila hindi namalayang nabanggit ang tunay na pangalan ng kasamang aktor.

Naglakad-lakad daw ang dalawa at masayang nagkuwentuhan. Sa loob lang ng maikling panahon ay lumalim ang koneksyon nila. Nang bumalik sila sa bahay, kung saan naroroon ang ibang mga kasama, ay naganap ang hindi inaasahan – ang unang paglalapat umano ng mga labi ni David at Jonathan.

“By the time na pumasok sila ng bahay, pretty much si Rustom, of course, nakainom na siya. Pero charmed, to say the very least, I think he found the guy, parang, genuine. So, kuwentuhan, kuwentuhan… Nagtanong si Rustom, ‘Saan ang restroom?’ Sa taas daw. So, umakyat, pasok sa restroom, weewee. Then, lumabas ng bathroom, pagbukas niya ng pinto, nandoon si Jonathan. And then we kissed,” kuwento ni BB.

Screenshot mula sa vlog ni BB Gandanghari

Sa patuloy na paglalahad ay hindi niya namalayang muling mabanggit ang tunay na pangalan ng aktor sa halip na “Jonathan.”

Dahil doon ay tila lalong lumakas ang matagal nang hinala ng mga fans tungkol sa tunay na pagkatao ng popular actor.

Samantala, nakaramdam ng inis si Lolit Solis sa ginawang ‘pasab0g’ ni BB. Dapat daw ay maging masaya na ito sa kanyang buhay sa Amerika at huwag nang manggulo pa.

Screenshot mula sa vlog ni BB Gandanghari

“Ang nakakainis nga marami pa ang nadadamay na pangalan dahil blind item nga ang style ng kanyang pagbubulgar. Mas mabuti pa nga na tumahimik na lang si BB GandangHari dahil ang layo na niya sa Pilipinas, nasa USA na siya. Dapat masaya na siya sa buhay na pinili niya at huwag nang manggulo pa,” ani Lolit Solis.

Panoorin ang nakaiintrigang vlog ni BB Gandanghari:

Source :

YouTube

Loading…