NCR mayors, nais ma-extend ng isang buwan ang GCQ kahit pababa na ang bilang ng COVID-19 cases

Imahe mula sa Radyo Todo
  • May posibilidad na mapalawig pa ng isang buwan ang GCQ sa Metro Manila
  • Naniniwala si Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council, na dapat pang panatilihin ang GCQ sa NCR
  • Sa September 27 ay magpupulong ang Metro Manila Council upang makabuo ng desisyon hinggil sa magiging quarantine status ng Metro Manila simula October 1

May posibilidad na magkasundo ang lahat ng mga mayor sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila na palawigin pa ng isang buwan ang pananatili ng general community quarantine (GCQ) sa kabila ng bumababang bilang ng COVID-19 cases.

Imahe mula sa CNN PH

Sa isang panayam ay sinabi ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang chairman ng Metro Manila Council na binubuo ng lahat ng alkalde ng NCR, na naniniwala siya  na dapat pang ma-extend ng isang buwan ang GCQ at sang-ayon daw dito ang mga kapwa niya mayor.

“I have been talking to the other mayors, I think we’ll reach a consensus… majority of us might decide to retain the GCQ status,” anang alkalde.

Aniya, ang pagpapalawig ng GCQ ng isa pang buwan ay sapat na panahon na para sa pag-downgrade kalaunan ng community quarantine status ng Metro Manila.

“Keeping the GCQ in Metro Manila for another month could help “sustain our action plan against COVID-19,” paliwanag ng mayor.

Hindi pa rin dapat magpaka-kampante ang lahat sa kabila ng naobserbahan ng mga awtoridad na pagbaba ng bilang ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 infection sa rehiyon.

Imahe mula sa Facebook account ni Mayor Edwin Olivarez

“We see that there is a downtrend in COVID-19 cases in NCR. Particularly in Parañaque, new cases are reduced by at least 20-percent every week in the past four weeks.“But we should not loosen up. We must sustain minimum health protocols,” giit ni Mayor Olivarez.

Sa Linggo, September 27, ay muling magpupulong ang Metro Manila Council upang makabuo ng desisyon hinggil sa magiging estado ng community quarantine sa NCR simula sa October 1.

 

Source :

Philstar, MSN

Loading…