Netizen ipinagmalaki ang katapangang ipinakita ng anak na lalaki laban sa COVID-19

  • Ipinagmalaki ng isang midwife na ina ang kaniyang anak
  • Mag-isa kasi nitong nilabanan ang COVID-19 sa ospital
  • Umagapay sa kaniya ang mga nurse at doktor

Ibinahagi ng isang nanay na netizen ang katapangang ipinakita ng kaniyang anak na lalaki matapos nitong mag-isang mapagtagumpayan  ang laban kontra COVID-19 matapos nitong magpositibo.

Makikita sa Facebook post ng netizen na si Debbie Jean Valderama, isang midwife sa Bataan General Hospital, ang mahaba niyang paliwanag at mga kalakip na larawan ng kaniyang anak na nasa confinement ng ospital na kaniyang pinaglilingkuran.

Imahe mula sa Facebook account ni Debbie Valderama

Salaysay niya, noong Setyembre 6, 2020 raw ay nakaranas ng lagnat, sipon, at pananakit ng ulo ang kaniyang anak. Akala raw niya ay normal na sipon lamang ito dahil may allergic rhinitis ito. Dahil hindi humuhupa, kinabukasan ay nagpakonsulta na sila sa pediatrician. Ang bata raw ay may UTI o urinary tract infection.

Noong Setyembre 10, 2020, nagpositibo raw sa COVID-19 ang kaniyang ina, kaya sumailalim silang lahat sa swab testing. Sept 12, 2020, natanggap na nila ang resulta na positibo rin sa COVID-19 ang kaniyang anak na lalaki. Agad itong dinala sa ospital. Ang isa sa mga naging problema nila ay kung sino ang makakasama ng kaniyang anak, subalit hindi sila pinayagan.

Proud na proud umano ang ina dahil kahit mag-isa lamang ang anak ay nagawa at kinaya nitong alagaan ang sarili, sa tulong na rin ng mga nurse at doctor ng ospital. Makalipas ang halos isang linggo ay gumaling na rin ang anak, kaya ganoon na lamang ang pasasalamat ng ina sa Diyos gayundin sa mga health workers na nag-alaga rito.

Imahe mula sa Facebook account ni Debbie Valderama

“At sa baby ko thank you kasi sobrang tapang mo. Hindi mo masyado pinag-alala si mommy. Proud na proud si mommy sa iyo.  To God be all the Glory.  #mycovidwarrior #proudofyouson,” aniya.

Tiyak na dadalhin ng bata ang katapangang ipinakita hanggang sa kaniyang pagtanda!

Source :

Facebook

Loading…