Netizen itinampok ang online ang pao; mga ninong at ninang wala pa ring kawala sa Pasko

  • Hindi dapat makampante ang mga ninong at ninang
  • Maaari pa rin kayong “habulin” ng inyong mga inaanak
  • Iyan ay dahil sa “online ang pao”

Isa sa mga tradisyon ng mga Pilipino, at maging ng mga Kristiyanong bansa, ang pagbibigayan ng aginaldo sa tuwing sasapat ang pagdiriwang ng Pasko. Nariyan din ang inaasahang pagdating ng mga inaanak sa bahay ng kani-kanilang mga ninong at ninang para magmano at magbigay-pugay sa kanila. Kaya naman, pinaghahandaan na ito ng mga ninong at ninang sa pamamagitan ng paglalagay ng “bente-bente” o iba pang bills sa “ang pao.”

Subalit dahil sa pandemya, mukhang magiging limitado ang pagdaraos ng mga Christmas party dahil sa community quarantine. Tanong ng marami: paano na ang bigayan ng aginaldo at pamasko? Kung inaakala raw ng mga ninong at ninang na “makakahinga na sila nang maluwag,” ipinaalala ng isang netizen na nagngangalang “Essie” na wala pa ring ligtas dahil may online ang pao daw. Makikita iyan sa kaniyang Facebook post.

Imahe mula sa Facebook account ni Essie

“Akala ko safe na ang mga ninong at ninang ngayong Pasko dahil bawal nang lumabas ang mga inaanaks. WALA PA RIN PALANG KAWALA! Presenting… GCASH ANG PAO! HAHAHAHA,” ayon sa kaniyang post.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Hahaha, hindi lang iyan, may Paymaya pa at online bank transfer. Don’t forget din, puwede rin magpa-Lazada o magpa-Shoppee hahaha,” pabirong sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Naku yung inaanak ko nga nagsabi na. Hindi raw siya makakadalaw sa akin, kaya ipa-Lala Move na lang daw o ipadeliver ang gift ko sa kaniya hahaha. Oh hindi ba? Online na rin ang pagbibigay ng pamasko ngayon.”

“Ayos! Wala na poproblemahin ang mga ninangs and ninongs kasi available naman pala ang online ang pao hahaha, pero bente-bente lang din ang laman hahaha,” wika naman ng isa.

Ipinaliwanag naman ng GCash ang kanilang online ang pao na makikita sa kanilang website.

“Ang paos may be a big part of Chinese tradition, but that doesn’t mean you can only do it the old school way. With GCash’s new Ang Pao Send Money feature, you can send an ang pao to your loved ones using the GCash app,” ayon sa kanilang beginner’s guide.

Dagdag pa, “Just log in to the GCash app, select Send Money then Ang Pao, and input the amount you wish to send and your recipient’s mobile number. Send them an ang pao to show your appreciation and thank them for a wonderful year. Happy sending!”

Ipinapaalala naman sa lahat na ang “silbi” ng pagkakaroon ng ninong at ninang ay hindi lamang naaalala tuwing sasapit ang Pasko. Sila rin ang inaasahang tatayong pangalawang magulang sa mga inaanak na magbibigay-gabay sa kanilang paglaki.

Source :

Facebook, GCash

Loading…