Netizen pinadalhan ng nakasimangot na selfie ang internet service provider

  • Kinaaliwan ng mga netizens ang isang larawan
  • Tila beast mode na kasi ang isang customer ng sikat na internet service provider
  • Nagpadala tuloy siya ng kaniyang nakasimangot na selfie sa messenger ng opisyal na social media page nito

Mahalaga ang internet connection sa panahon ngayon ng Bagong Normal. Bukod sa device o gadget gaya ng smartphones, tablets, laptops, o desktops, isa ito sa mga pangunahing kailangan upang matagumpay na maisagawa ang work-from-home o online class.

Minsan, sa dami ng mga nangangailangan ng internet service, dumarating sa puntong bumabagal ang connection. Iyan ang kadalasang kinaiinisan ng mga netizens. Kagaya na lamang ng isang Facebook user na nagngangalang “Sedrick Delacruz” na hindi na napigilang magpadala ng kaniyang nakasimangot na selfie sa Facebook messenger ng kaniyang internet service provider o ISP.

Imahe mula sa Facebook account ni Sedrick Delacruz

Ang naturang internet service provider na kinaiinisan ng netizen ay ang parehong internet service provider na inireklamo ng sikat na aktres na si Liza Soberano.

Umani naman ito ng katatawanan mula sa mga netizens. Hindi nila napigilang magbigay ng komento hinggil dito.

“Hahaha, ewan ko na lang kung hindi pa mabulabog ang ISP na iyan!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Hindi ka kasi si Liza Soberano hahaha. Dapat maging sikat ka para puntahan ka kaagad. Ewan ko na lang kung hindi pa iyan mangarag.

Ano-ano nga ba ang maaaring gawin kung sakaling bumagal ang internet connection?

Subukang i-unplug ang device at muli itong isaksak; baka nangangailangan lamang itong i-refresh. Kung wala pa rin, maaari na itong itawag sa customer service o tanggapan ng ISP upang masabi na kaagad ang mga concern o complaints.

Kung wala naman, maaari din silang padalhan ng mensahe sa kanilang mga social media accounts ngunit hindi nakasisigurong matutugunan kaagad ito.

Public Domain Image

Kung may oras naman at sumusunod sa health protocols, maaari namang sadyain ang kanilang tanggapan upang direktang masabi ang mga concern sa connection.

Source :

Facebook

Loading…