Netizens kinilig sa mensahe ni Dra. Vicki Belo para sa mister na si Hayden Kho sa kanilang anibersaryo

  • Ipinagdiriwang ng mag-asawang celebrity doctors na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang kanilang 3rd wedding anniversary
  • Nagbigay ng sweet message si Belo para sa kaniyang mister sa kaniyang Instagram account na kinakiligan naman ng mga tagahanga, followers, at mga kaibigang artista
  • Ikinasal ang dalawa noong 2017 sa Paris, France

Kinilig ang mga tagahanga at followers ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo sa kaniyang sweet message para sa kaniyang asawang si Hayden Kho para sa kanilang 3rd wedding anniversary.

Ayon sa Instagram post ni Dra. Belo, maituturing niyang “best at most patient husband” si Hayden bilang asawa at “best father” naman para sa kanilang anak na si Scarlet, at “best partner” sa pamamalakad ng kanilang negosyo.

Imahe mula sa Instagram account ni Dra. Vicki Belo

“Happy anniversary my love.  The last 3 years have been some of the happiest years of my life. You have been the best and most patient husband to me , best father to Scarlet and best partner in leading the BELO Medical family. When God promised that He would give us more than we could ask for or imagine if we followed His ways He really meant it,” pahayag ng doktora.

Dagdag pa niya, “I am constantly amazed by how you are, how you think, how you lead and most importantly how you love. I thank God for blessing me with you and Scarlet and humbly ask that He continues to be with us as we travel life’s journey together.”

Kinilig naman ang mga celebrity at binati ang mag-asawa kagaya nina Alden Richards, Darren Espanto, Georgina Wilson, Sue Ramirez, Tim Yap, Jodi Sta. Maria, Bianca Umali, Gabbi Garcia, at mga batikang journalists na sina Dyan Castillejo at Korina Sanchez-Roxas.

“Love this photo Vicki. Will never forget the wedding in Paris but most important of all is the true love you’ve found with Hayden. Great blessing for your journey. God always be with you both,” mensahe ni Korina na abala sa pagiging maybahay ni Mar at ina nina Pepe at Pilar.

Public Domain Image

Nagpakasal sa Paris, France sina Belo at Kho noong 2017 at ang kanilang cute na anak ay si Scarlet Snow.

Loading…