Netizens pinalakas ang loob ng pagod na frontliner sa Capiz

Imahe mula sa Facebook | Bench Benjamin/Baskog Radyo
  • Sumaludo ang netizens sa frontliners matapos na mag-trend ang larawan ng isang healthcare worker mula sa Roxas City, Capiz na halata ang pagod
  • Habang nakasuot ng PPE ay nakayuko na siya sa loob ng testing booth
  • Kamakailan lamang ay ipinahinto muna ang pagtanggap ng umuuwing OFWs at LSIs sa Roxas

Muling ipinakita ng netizens ang kanilang pasasalamat at pagsaludo sa frontliners matapos na mag-viral ang larawan ng isang healthcare worker mula sa Roxas City, Capiz na pansamantalang nagpapahinga mula sa pagsasagawa ng swab tests.

Imahe mula sa Facebook | Bench Benjamin/Baskog Radyo

Ibinahagi ni Bench Benjamin ng Baskog Radio ang isang larawan kung saan makikitang nakayuko ang tila pagod na pagod ang frontliner na nakasuot ng PPE sa loob ng testing booth. Pinalakas naman ng netizens ang loob ng frontliners sa kanilang mga komento.

Pagbabahagi ni Karen C., saksi siya sa sa sakripisyo ng frontliners dahil minsan na rin silang nagpa-swab test.

“Napapagod din kasi silang mga nagte-test. Saksi ako riyan. Noong ako na ang magpapa-swab, tulog ‘yong magte-test sa akin. Ginising siya ng kasamahan niya. Sabi ko ‘Pagod na pagod si Kuya.’ Sabi ng kasamahan niya, ‘Sa dami ng nagpa-swab.’ Hero natin ang mga ‘yan.”

Imahe mula sa Facebook | Daily Guardian

“Be strong, our frontliners. May the sustaining grace, mercy, and protection be with you always. Always pray. God will sustain your strength,” ani K. Bocol.

Sabi naman ni C. Jalandoni, tuwing gabi ay ipinananalangin nila ang mga makabagong bayani at ang pamilya nila. “Our every day rosary intentions are for you and your family. Be strong. We support you.”

Kamakailan lamang ay ipinahinto muna ng Roxas ang pagtanggap sa mga umuuwing overseas Filipino workers at locally stranded individuals sa loob ng dalawang linggo.

“The said moratorium shall stem the surge in COVID-19 cases from the recent spike brought by the arrival of LSIs, ROFs, OFW repatriates, and allow the LGU to prepare the currently fully-occupied facilities and maximize healthcare services for the next batches,” saad sa Resolution No. 33 ng Western Visayas Regional Inter-Agency Task Force.

Loading…