Dahil nirerespeto, ginagalang, minamahal: Pauleen ‘di ramdam ang age gap nila ni Bossing

Image by Pauleen Luna via Instagram
  • Pauleen Luna sinabing hindi niya ramdam ang 35-year age gap nila ni Bossing Vic Sotto
  • Ito’y dahil sa pagmamahal, respeto at pagmamahal na ibinibigay sa kanya
  • Aniya, “Never did I hear my husband raise his voice and felt like I was younger and didn’t matter”

Hindi nararamdaman ni Pauleen Luna ang nasa 35-year age gap sa pagitan nila ng asawang si Bossing Vic Sotto, ito’y dahil sa sobra-sobrang pagmamahal, respeto at pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng asawa.

Image by Pauleen Luna via Instagram

Pahayag ni Pauleen sa Instagram; nang tanungin siya ni Luchi Cruz Valdez sa age gap noong nag-guest siya sa programa ni Luchi sa TV5 ay hindi siya nakapagbigay ng maayos na kasagutan dahil hindi naman niya nararamdaman na may agwat ang edad nila.

“She asked me “How do you deal with the age gap?” I wasn’t able to give a good answer because I honestly do not feel the “gap” that we have.”

Pinag-isipan aniya niya ang katanungan makaraan ang panayam at nabuo niya ang mas angkop na kasagutan, “My husband loves me very much and gives me a certain kind of confidence and security about our relationship but I think the thing I love most about him is the amount of respect he gives me.”

Saad pa niya, iginagalang ng kanyang asawa ang kanyang mga desisyon kabilang na ang pag-grow bilang indibidwal kaya’t pakiramdam niya’y magkapareho sila ng edad dahil ganito ang trato sa kanya.

Image by Pauleen Luna via Instagram

“Never did I hear my husband raise his voice and felt like I was younger and didn’t matter. I always felt validated. I always feel important around him. Respect plays a big role in any relationship.

“I know deep in my heart that it’s one of the main why this relationship is so easy,” pagwawalas ni Pauleen.

Suportado ng mga tagahanga ang mga pahayag na ito ni Pauleen.

Image by Pauleen Luna via Instagram
Source :

Instagram

Loading…