NLEX nangangailangan ng 1,500 na trabahador para sa kanilang P28-B connector project

Screenshot mula sa YT video
  • Nangangailangan ngayon ang NLEX ng 1,500 na trabahador para sa kanilang connector project
  • Karamihan sa kailangang trabahador ay mga skilled at technical workers
  • Prayoridad umano ang mga OFWs na bumalik sa bansa dahil sa umiiral na pandemya

Nangangailangan ng 1,500 na trabahador ang North Luzon Expressway Corp. (NLEX) para sa kanilang connector project na nagkakahalaga ng P23-B.

Karamihan sa trabahador na kailangan ay mga technical at skilled workers at bibigyan umano ng prayoridad ang mga returning OFWs, ayon NLEX President and General Manager J. Luigi L. Bautista.

Imahe mula sa ABS-CBN News

“We are currently working on the first five-kilometer section of the NLEX Connector from Grace Park, Caloocan City to España St., Sampaloc, Manila. We need more than 1,500 workers to accelerate the construction,” ani Bautista.

Ang NLEX Connector Project ay may habang 8 kilometro. Ito ay isang elevated expressway na babaybayin ang Caloocan Interchange, 5th Avenue/C3 Road sa Caloocan City at dadaan sa España hanggang sa dugtungan ng Metro Manila Skyway Stage 3 sa PUP Sta. Mesa sa Maynila.

Ang proyekto ay nakatakdang makumpleto ng kumpanya ni Manny V. Pangilinan sa 2021.

“With our ongoing projects, we can create more opportunities for people thus propel growth in the country. Being a government partner in infrastructure building, NLEX Corporation and the entire Metro Pacific Tollways group are keen in helping the economy recover,” ayon pa kay Bautista.

Imahe mula sa DPWH

Kasabay ng Skyway Stage 3, inaasahang mapapaikli nito ang biyahe mula sa NLEX patungong South Luzon Expressway mula sa 2 oras hanggang 20 minuto lamang.

“It is also seen to benefit 35,000 motorists who will be spared from using Metro Manila’s congested city roads since they will traverse their routes mostly above the alignment of the Philippine National Railways,” pahayag pa ng NLEX.

Bukod dito, malaking tulong din umano ang bubuksang daan sa mga cargo trucks na bumobiyahe patungong Manila Ports at mga international airports tulad ng NAIA at Clark International Airport.

Loading…