“No drama, no stress”: College entrance test ng Ateneo De Manila University, ipagpapaliban muna

  • No drama, no stress
  • Iyan ang nais ng Ateneo De Manila University kaya wala munang entrance test para sa school year 2021-2022
  • Sasalain nila ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng previous academic performances, rekomendasyon ng mga naging guro, komunikasyong pasalita, at application form

Ipinagpapaliban muna ng Ateneo De Manila University ang kanilang taunang ACET o Ateneo College Entrance Test para sa school year 2021-2022 dahil na rin sa pandemya, anunsyo nila nitong Setyembre 1, 2020 sa kanilang opisyal na Facebook page.

“We know there is a lot going on and we don’t want to create more unneeded drama and stress. There will be no Ateneo College Entrance Test for School Year 2021-2022. We have rolled out an updated College Admissions page to address all your questions and concerns so make sure to visit the site,” ayon sa Facebook post.

Imahe mula sa Facebook page ng Ateneo De Manila University

Dagdag pa, “Times are evolving but our commitment to academic excellence and formation has not changed.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“The best time to be TRUE BLUE BLOODED with Academic Excellence,” komento ng isa.

Turan naman ng isa, “Good to know. I’ve been an Atenean since grade school and I frankly think that this will lower the standards of the student body. Why bother excelling at something when you can get it with zero effort?”

“Well admission test lang naman yung libre, pero pag enrolled ka na good luck ,” wika naman ng isa.

Kahit na walang admission test, hindi pa rin pababayaan ng ADMU na hindi masuri ang kakayahan ng mga mag-aaral na magnanais na makapasok sa kanila, upang matiyak pa ring makasasabay sa academic excellence at standards ng pamantasan.

“Students will be evaluated based on past academic performance, on the recommendations of teachers, essay, and on information written down on the application form posted on the university’s website,” ayon sa kanila.

Public Domain Image

Samantala, nauna nang magpahayag ang University of Santo Tomas o UST na hindi sila magkakaroon ng USTET o UST Entrance Test habang ang University of the Philippines o UP naman ay pinag-aaralan pa ito.

Source :

Facebook

Loading…