Noontime show nina Janno Gibbs, Anjo Yllana makakatapat ang Eat Bulaga

Image by Net25 via Facebook | Image by Anjo Yllana via Instagram | Image by Janno Gibbs via Instagram
  • Anjo Yllana, Janno Gibbs at KitKat bibida sa bagong noontime show ng Net25
  • Sabi ni Anjo: “We do not want to compete. Magpapasaya lang kami”
  • Magsisimula na ang Happy Time sa September 14

Makaraang mag-resign nitong nakaraang buwan bilang host ng Eat Bulaga!, bahagi ngayon ng programang Happy Time ng Net25 si Anjo Yllana na isa ring noontime show at s’yempre ay eere sa kaparehong oras ng pinanggalingang programa. At kasama pa niya rito si Janno Gibbs na dati ring host ng EB.

Image by Net25 via Facebook

Pero ani naman ni Anjo, hindi sila makikipagkumpitensya; bagkus ay maghahain sila ng ibang putahe sapagkat kagaya sa pananghalian ay hindi aniya pupuwedeng iisa lamang ang ulam.

Wika niya sa teaser video mula Net25, “We do not want to compete. Magpapasaya lang kami. Dahil nga katulad ng sinabi ko, kumbaga sa tanghali, hindi naman pupuwedeng isang ulam lang. Mas maganda kung merong pinagpipilian.”

Magsisimula na sa September 14 ang Happy Time na mayroong mga segments para sa mga kababayang nangangailangan ng tulong dahil sa pandemya.

Naisagawa na rin nila ang dry run ng mga laro na may “catchy at exciting” na pamagat. Maliban kina Anjo at Janno, makakasama sa programa si KitKat at ang ang mga dancers na siyang magsisilbing Money Girls.

Naging bahagi ng Eat Bulaga! si Anjo noong 1999 at tumagal ng 21 taon. Samantala, si Janno ay naging bahagi ng programa mula 2001 hanggang 2007.

Image by Anjo Yllana via Instagram

Naging magkasama sina Anjo at Janno sa Ober Da Bakod sitcom ng GMA Network na tumagal din ng limang taon.

Anjo Yllana resigns from ‘Eat Bulaga’ after 21 years

Pormal na inanunsyo ni Anjo ang pag-alis sa EB noong August 11 kung saan sinabi niyang mahirap ang kanyang pag-alis at pinasalamatan niya ang mga Dabarkads sa matagal at masayang pagsasama.

Hindi man niya kinlaro kung ano ang tunay na dahilan ng pag-alis, napapabalitang ang bagong show sa Net25 ang dahilan nito.

Panoorin ang video teaser ng Happy Time sa ibaba, na video upload ng Net25:

Loading…