OFWs exempted sa PhilHealth, minimum wage earners bababa ang contribution sa panukalang batas ni Salceda

Imahe mula sa PTV 4
  • Nagpasa ng panukala si Rep. Salceda para i-overhaul ang sistema sa Philhealth
  • Posibleng mabawasan ang kontribusyon ng mga minimum wage earners sa batas ni Salceda
  • Hindi na rin kailangang magbayad ng premium ng mga OFWs

Isinusulong ngayon ni Albay Rep. Joey Salceda ang panukalang batas na naglalayong i-overhaul ang sistema ng ng PhilHealth para pondohan ang universal health care at upang bawasan na rin ang kurapsyon sa ahensiya.

Sa panukalang PhilHealth Reform Act of 2020 (HB No. 7578) ni Salceda, ang premium contribution scheme ay magiging progresibo na sa pamamagitan ng pag-uugnay ng income tax rate sa premium contribution.

Rep. Joey Salceda| Imahe mula sa AdvocatesOMI

Mangangahulugan ito na ang mga minimum wage earners ay magbabayad na lamang ng P100 kada buwan at makapagtitipid ng aaabot sa P4,800 kada taon.

Sa panig naman ng mga overseas Filipino workers (OFWs), exempted na sila sa pagbabayad ng premium sapagkat hindi naman sila kumikita rito sa Pilipinas at hindi rin nakikinabang sa benepisyo ng state insurer.

“Itutugma natin ang premium contribution sa kita ng kasapi at aalisin natin ang income ceiling system. Sa ngayon habang tumataas ang sahod sa ‘income ceiling’ lumiliit naman ang binabayaran mo. Hindi ito progresibo,” paliwanag ng kongresista na isa ring ekonomista.

Imahe mula sa Philhealth

Ayon pa sa mambabatas, aayusin ng batas ang sistema at itutugma ang kita sa binabayaran. Sa ganitong paraan umano ay matutugunan din ang pandaraya sa ‘income reporting’ dahil ang tax returns na ang basehan ng babayarang premium.

Layon din ng panukala ni Salceda na ang Secretary of Finance na lamang ang mauupo bilang Chair of the Board ng PhilHealth.

Kailangan daw kasi ng PhilHealth, bilang isang insurance at investment agency, ang kalidad at husay ng management ng Government Service Insurance System o GSIS.

Bukod dito, tila talagang mas mahusay pa umano ang takbo ng mga ahensiyang nasa ilalim ng Finance Department kumpara sa ibang GOCCs (government-owned and controlled corporations).

Loading…