Ogie Diaz: “Kelan naman mababawi ang pera ng taumbayan sa mga kurakot sa PhilHealth?”

Image by Ogie Diaz via Facebook
  • Naglabas ng desisyon ang NTC para bawiin na ang frequency ng ABS-CBN
  • Ani Ogie Diaz, “Kelan naman mababawi ang pera ng taumbayan sa mga kurakot sa Philhealth?”
  • Nag-trending ang pahayag na ito ng kilalang talent manager

Umani ng samu’t-saring reaksyon ang naging komento ni Ogie Diaz sa paglalabas ng desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) para bawiin ang lahat ng broadcast frequency na naka-assign sa mga TV at radio stations ng ABS-CBN.

Image by Ogie Diaz via Facebook

Naitanong kasi nito kung kailan naman mababawi ang pera ng taumbayan na napunta umano sa mga kurakot sa PhilHealth, yamang binabawi na ng NTC ang mga frequency ng ABS-CBN.

Aniya, “Binabawi ng NTC ang frequency ng ABS-CBN. Kelan naman mababawi ang pera ng taumbayan sa mga kurakot sa Philhealth?”

Si Ogie ay isang talent manager ng mga artista na kinabibilangan ni Liza Soberano; isang showbiz reporter na nagkaroon din ng regular radio program sa DZMM, at naging bahagi ng ilang comedy shows.

Agarang nag-trending ang kanyang post na nakakuha na ng higit 3,200 reaksyon at nasa 100 pagbabahagi habang ipino-post ito.

Broadcast frequencies ng ABS-CBN TV at radio stations binawi na ng NTC

Matatandaang naglabas ng desisyon ang Kamara na ibasura ang aplikasyon sa panibagong prangkisa ng ABS-CBN noong July 10 at August 25 naman nang paboran ng Korte Suprema ang cease and desist order na inisyu ng NTC.

Imahe mula sa Facebook-DZMM

Sumunod dito ay ang desisyon ng NTC sa pag-recall sa mga frequency nitong Huwebes. Kabilang sa mga ipinababawing frequency ang Channel 2, Channel 43, Channel 16, Channel 25, at DZMM (630kHz) sa Metro Manila; gayundin sa lahat ng AM stations, FM stations at Regional TV stations ng ABS-CBN sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

PhilHealth president and CEO Ricardo Morales nagbitiw na sa tungkulin

Samantala, ang diumano’y anomalya sa PhilHealth ay lumabas nang ibunyag ng dating anti-fraud officer ng ahensya na si Atty. Thorrsson Montes na ibinulsa ng mga matataas nitong opisyal ang tinatayang P15-billion.

Kalaunan, nag-resign si Ricardo Morales sa kanyang puwesto bilang president at chief executive officer ng PhilHealth dahil sa may iniinda umano itong karamdaman.

Imahe mula sa PhilHealth

Loading…