Online sellers may hanggang September 30 para magparehistro sa BIR

  • Nagbigay ng karagdagang palugit o extension ang BIR para sa pagpaparehistro ng mga online sellers
  • Hanggang katapusan ng Setyembre 2020 ang pagpapatala para sa mga online sellers na may 250,000 piso pataas ang kita taon-taon
  • Umani naman ito ng iba’t ibang reakyson at komento mula sa mga netizens

Inihayag ng Bureau of Internal Revenue o BIR nitong Martes, Setyembre 1, 2020, na may extension ang deadline para sa pagpaparehistro ng mga online selling businesses hanggang Setyembre 30, 2020; naitakda sana hanggang nitong Martes.

“Considering this and the Bureau’s resource constraints at this time of quarantine protocols due to the COVID-19 pandemic, the deadline is further extended to September 30, 2020,” ayon sa ahensiya.

Public Domain Image

“It is reminded that all those who will be found later doing business without complying with the registration/update requirements, and those who failed to declare past due taxes/unpaid taxes shall be imposed with the applicable penalties under the law, and existing revenue rules and regulations,” dagdag pa nila.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Bakit kailangan i-register pa, kaunti na nga lang tubo eh, ‘yung kailangan i-register yung mga ilegal… saka yung mga masyadong mahal magbenta,” sabi ng isa.

Wika naman ng isa, “Grabe naman! Lahat na lang! Yung mga nagtitinda ng isaw-isaw dapat pa-register na rin. Yung mga magtataho, dapat may permit to sell din kayo, ‘yung mga magbubuko. Wala na kayong magawa pati yung maliliit na naghahanapbuhay gusto n’yo pa lagyan ng tax?”

“Paano mo irerehistro ang online goods mo kung wala ka naman business name, business permit, license to sell, etc. to make a business legally and to be subjected to tax legally too… kapag tax collection pala ay puwede short cut sa kanila,” pagbabahagi naman ng isa.

Public Domain Image

Matatandaang inanunsyo ng BIR na ang mga online sellers na kumikita ng 250,000 piso pataas taon-taon ang nararapat lamang na magparehistro sa BIR. Kabilang dito ang mga vloggers o kumikita nang malaki sa kanilang mga monetized videos sa YouTube.

Loading…