P128-M na jackpot sa Grand Lotto napanalunan ng lone bettor mula sa Valenzuela City

Screenshot mula sa YT video
  • Napanalunan na ang jackpot prize sa Grand Lotto nitong Miyerkules
  • Umabot sa mahigit P128-M ang maiuuwi ng masuwerteng mananaya mula sa Valenzuela City
  • Ito na ang pang-limang beses na napanalunan ang jackpot sa lotto ngayong buwan

Isang masuwerteng mananaya mula sa Valenzuela City ang makapag-uuwi ng mahigit P128-M na jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 na binola nitong Miyerkules, ika-23 ng Setyembre.

Umabot sa kabuuang P128,397,144.80 ang premyong matatanggap ng nasabing bettor matapos mahulaan nang tama ang anim na numerong lumabas na 02-12-22-27-03-29.

Imahe mula sa PCSO

Ang mapalad na mananaya na ang ika-5 milyonaryo ngayong buwan dahil sa lotto matapos ang halos limang buwang suspension nito simula nang ideklara ang lockdown sa Metro Manila noong Marso.

Samantala, 43 mananaya din ang nakakuha ng limang tamang kombinasyon at tumama ng P100,000 kada isa; habang 1,653 naman ang mag-uuwi ng nakahula ng apat na tamang numero at mag-uuwi ng P1,500 kada isa.

Noong Setyembre 3, isang mananaya mula sa San Fernando, La Union ang siyang naging pinakaunang  naging ‘milyonaryo’ sa panahon ng pandemya matapos makakuha ng 6 na tamang numero para maiuwi ang P49,707,326.80 jackpot sa 6/42 regular lotto.

Imahe mula sa Business News PH

Sinundan ito ng isa pang bettor sa Quezon City na nag-uwi ng mahigit P339-M na jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 noong Setyembre 6. Kinabukasan, Setyembre 7, tinamaan din ang jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na umabot sa mahigit P24-M.

Nagpapasalamat naman si PCSO General Manager Royina M. Garma sa pubilko dahil sa patuloy na pagtangkilik sa lotto. Marami umano ang natutulungan ng PCSO na karamihan ay mga kapus-palad at mga maysakit.

Ang sinumang mananalo, maaari nilang kunin ang kanilang premyo sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City at dapat ay magdala ng 2 government-issued na mga valid IDs.

Loading…