P28-B na Malolos-Clark Railway Project nai-award na

Imahe mula sa Railway Technology
  • Nai-award na ang P28-B na Malolos-Clark Railway Project
  • Ito ay bahagi ng mas malaking P48-B na North-South Commuter Railway ng DOTr
  • Malaking tulong umano sa pagbangong ng ekonomiya ng bansa ang naturang proyekto

Nai-award na sa isang malaking consortium ang bahagi ng Malolos-Clark Railway Project (MCRP) na nagkakahalaga ng P28 bilyon.

Ang notification of award ay pormal nang ibinigay sa consortium ng Megawide Construction Corp. (Megawide), Hyundai Engineering & Construction Co. Ltd. at Dong-ah Geological Engineering Company Ltd. nitong Setyembre 18.

Imahe mula sa Portcalls.com

Ang proyekto, na Phase 1 ng P48 bilyong North-South Commuter Railway (NSCR) sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) ay may habang 17 kilometro na viaduct structure. Kabilang dito ang pagtatayo ng mga elevated stations sa Calumpit, Bulacan at Apalit, Pampanga.

Ang NSCR ay may kabuuang 163 kilometro.

Imahe mula sa Top Gear

“Megawide, together with our world-renowned consortium partners in the field of engineering, Hyundai E & C and Dong-ah, is committed to deliver the highest standards of construction and engineering excellence for the MCRP. This will be another first-world infrastructure in the making,” ayon sa pahayag ni Megawide chairman at CEO Edgar Saavedra.

Ayon pa kay Saavedra, inaasahang malaking bagay ang nasabing proyekto para tulungang makabangon ang ekonomiya ng bansa na nalugmok dahil sa umiiral na coronavirus pandemic.

“Infrastructure spending is believed to have a very high multiplier effect on the economy, and the government’s direction to push this segment is very much welcome,” wika pa ng CEO ng Megawide.

Loading…