Pagbabalik-gunita: Palihim ka rin bang binibigyan ng pera ng iyong lola at lolo?

  • Natuwa ang mga netizens sa pagbabalik-gunitang dulot ng isang larawan
  • Tungkol ito sa palihim na pagbibigay ng pera ng mga lola sa kanilang mga apo
  • Umani ito ng iba’t ibang reaksyon  at pagbabahagi mula sa mga netizens

Sabi nila, mapalad raw ang mga apong kapiling pa rin ang mga lolo at lola nila. Iba kasi ang pagkalingang ibinibigay ng mga lolo at lola sa kanilang mga apo. Minsan, doble pa ang pagmamahal na ipinagkakaloob nila kaysa sa sarili nilang mga anak noong bata pa ang mga ito.

Kaya naman, nagpanumbalik sa gunita ng mga netizens ang isang larawang itinampok sa Facebook page na “The Idealist” kung saan inaalala ang kabutihan ng pagkakaroon ng grandparents, lalo na ang mga lola.

Ayon sa caption nito, “Every grandma gives money secretly… because she loves you.”

Imahe mula sa Facebook page na “The Idealist” / Public Domain Image

Bagay na nagpasariwa naman sa alaala ng maraming mga netizens, lalo na iyong mga naging malapit ang loob sa kanilang mga lolo at lola.

“My grandma used to save money for me… missing her… may her soul rest in peace,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “She always gives me some money, she always puts me in her prayer. She stayed by my side when I was in the hospital.. .and she’s in heaven now.”

“Grandmothers are like angels, they are the sweetest, and if you don’t take the money, it will hurt them. I miss my grandmother,” pahayag naman ng isa.

Wika naman ng isa, “That is so true, I have so many memories of getting secret money from my grandma.”

Dito sa Pilipinas, dahil naniniwala tayo sa konsepto ng “extended family,” ang mga lolo at lola natin ay hindi natin pinababayaan. Kahit na may sari-sarili nang pamilya ang mga anak o apo, mas pinipili pa rin silang alagaan at hindi basta ipinadadala sa “Home for the Aged” o mga shelter para sa mga nakatatanda na.

Public Domain Image
Source :

Facebook

Loading…