Pagbati, bumuhos para sa ika-27 kaarawan ni Lloyd Cafe Cadena

Imahe mula sa YouTube | Lloyd Cafe Cadena VLOGS
  • Inulan ng pagbati ang pumanaw na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena na magdiriwang sana ng kaniyang ika-27 na kaarawan ngayon
  • Kaniya-kaniyang paraan ang kaniyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang araw na ito
  • Setyembre 4 nang pumanaw si Lloyd matapos na mag-positibo sa COVID-19

Inalala ng kaniyang mga kaibigan ang pumanaw na vlogger na si Lloyd Cafe Cadena sa kaniyang ika-27 kaarawan.

Imahe mula sa Instagram | Madam Ely

Ang kaniyang manager at malapit na kaibigan na si Madam Ely, ipina-tattoo pa ang icon ni Lloyd na may suot na puti at pulang tuwalya sa ulo.

“I chose this design, your legendary icon with your towel because this symbol represents the entirety of who you are and all the things you were ‘enabled’ to do because of your talents and gifts,” sabi pa niya.

Ikinuwento rin niya na ang kaarawan talaga ni Lloyd ay Setyembre 22 ngunit ang nailagay sa kaniyang birth certificate ay Setyembre 23 kaya ito ang sinusunod.

Pinaghahandaan daw niya ang kaarawan ni Lloyd at sinisiguradong siya ang may pinaka-bonggang regalo rito. “I love to see you happy. It warms my heart. That’s the only thing I wanted you to feel every day, most especially on your special day.”

Ang isa pang malapit na kaibigan ni Lloyd na si Madam Aivan, nagbahagi naman ng larawan ng cake at mga puting lobo na kaniyang hinanda. “Happy 1st birthday in heaven, mare. We love you so much and we miss you,” aniya sa caption.

Imahe mula sa Instagram | Lloyd Cafe Cadena

May pagbati rin para sa kanilang Kuya Lloyd ang mga miyembro ng Bakla ng Taon (BNT).

“Happy first birthday in heaven, Kuya Lloyd. Paunti-unti, maghihilom. Magpapatuloy, tulad ng gusto mong mangyari bago ka mawala. Kumpleto. Lalaban. Para sa’yo. Miss ka na namin, Kuya. Mahal na mahal ka naming lahat,” sabi ni Limuel.

Samantala, ang beauty vlogger na si Michelle Dy naman ay ibinahagi ang kaniyang larawan habang suot ang Gucci bag ni iniregalo sa kaniya ni Lloyd. “Always in my heart. Happy birthday, Bff. Love you!”

Setyembre 4 nang maglabas ng pahayag ang pamilya ni Lloyd na sumakabilang-buhay na ito. Kinumpirma rin nila na nag-positibo ito sa COVID-19.

Happy birthday in heaven, Lloyd!

Loading…