Pagpapakilala ng ‘dyowa’ sa mga kapamilya sa bahay, uso pa ba?

  • Nagdulot ng mga tanong ang isang larawan
  • Nagpapakita ito ng pag-uusyoso ng mga kapitbahay sa dyowa ng iba, kapag ipinakilala sa pamilya
  • Tanong tuloy, “pagpapakilala ng dyowa sa mga kapamilya sa bahay uso pa ba?”

Uso pa ba ang pagsama at pagpapakilala ng “dyowa” sa mga kapamilya?

Naghatid ng nostalgia ang isang larawan sa Facebook page na “Papa” kung saan makikitang nakaabang ang mga “uzi” dahil daw sa pagdadala ng dyowa ng isa nilang kapitbahay. Marami sa mga netizens ang “relate-much” dito.

Imahe mula sa Facebook page ng Papa / Public Domain Image

“Hahaha, dito kasi sa Pilipinas, kapag nagdala ka na ng dyowa sa bahay, iisipin ng mga kapitbahay na it’s either nakabuntis ka o nabuntis ka, hahaha. Suddenly, ikaw ang magiging talk of the town ng sambayanan!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Actually, wala naman dapat pakialam ang mga kapitbahay na iyan kung sinomang Poncio Pilato ang dalhin mo sa bahay. Mas mainam nga iyan. Sign of respect. Ibig sabihin, willing magpakilala ang lalaki o ang babae, na sooner or later ay magiging bahagi na ng pamilya.

“Kung totoong mahal ninyo ang isat isa hindi ka dapat mahiya na dalhin at ipakilala sa mga magulang mo at malaman nang marami. Importante legal at tanggap ninyo ang isat isa,” sabi ng isa.

Kung tatanungin naman ang isang inang si Aling Cristy, 59 na taong gulang, mula sa Fairview, Quezon City, malaking puntos para sa kaniya kung ipakikilala nang pormal ng kaniyang mga anak ang mga kasintahan nila sa kaniya at sa buong pamilya, dahil ito ay pagpapakita umano ng malinis na intensyon at paggalang.

Sa apat na mga anak ni Aling Cristy, lahat umano ng mga “dyowa” nila ay naipakilala na sa kaniya. Ito raw kasi ay pagbibigay-galang din ng anak sa kaniya, upang makilatis ang taong posibleng makasama habambuhay. Mas mainam na raw na maging tapat, kaysa mabigla.

Public Domain Image

“Dapat lang ipakilala at dalhin sa bahay, pero syempre dapat naroon din kami, bawal yung sila lang. Saka, kapag nag-asawa ka na, hindi lang yung dyowa mo ang kailangan mong pakasalan kundi buong pamilya o angkan. Nakasanayan na natin iyang mga Pinoy eh,” dagdag pa ni Aling Cristy.

Noong unang panahon, uso pa ang pamamanhikan o paghingi ng kamay ng babae sa kaniyang mga magulang bago pakasalan.

Sa pagdaan ng panahon, dulot na rin ng iba’t ibang mga paraan ng komunikasyon na nagsimula sa sulatan o penpal, phonepal, textmates, at chatmates, naiiba na rin ang pagliligawan. Minsan, nagugulat na lamang ang mga magulang na may dyowa na pala ang kanilang mga anak, o mas nakabibigla, instant lolo o lola na sila.

Sana, buhayin pa rin nating mga Pilipino ang ganitong uri ng kagawian, lalo na sa ating mga kabataan — ang ipakilala sa pamilya ang taong itinuturing mong mahalaga.

Source :

Facebook

Loading…