Pagpupugay kay Pinoy Vlogger ‘Kween LC’ Lloyd Cadena

  • Nasa piling na ng Panginoon ang Pinoy vlogger na si Lloyd Cadena
  • Nagulat ang online world sa kaniyang maagang pagkawala
  • Wala pang opisyal na sanhi ng pagpanaw ang naiulat 

Ikinagulat ng mga tagahanga at tagasubaybay ng sikat na Pinoy vlogger, host, DJ, at awtor din na si Lloyd Cadena ang anunsyo kaugnay sa kaniyang maagang pamamaalam sa mundong ibabaw. Makikita ito sa opisyal na Facebook page ng vlogger nitong Biyernes, Setyembre 4, 2020.

“It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cadena. May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time,” ayon sa Facebook post.

Public Domain Image

Isa si Lloyd sa mga sikat na YouTubers sa Pilipinas, na nagsimula noong 2011, Madalas niyang tema ang unboxing, pagluluto, at challenge videos na hinahaluan niya ng comedy o katatawanan. Umabot sa halos 5.29 milyon ang kaniyang mga subscribers sa YouTube, at mahigit 6.5 milyon na followers naman sa Facebook.

Kamakailan lamang ay nakapag-post pa siya ng mga status sa kaniyang social media accounts, kaya naman labis na nabigla ang mga netizens sa biglaang pagpanaw ng vlogger. Labis din itong ikinalungkot ng mga netizens at nagbigay sila ng masasayang patotoo kung gaano sila naging masaya at napangiti ni Lloyd sa mga vlogs nito.

“Condolences to the family. Lloyd was a source of happiness and inspiration. May his legacy live thru his friends and family,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “This breaks my heart. You made so many people so happy and have touched many lives including mine. Gone too soon you will be missed Lloyd.”

“Rest in peace Kuya Lloyd. Isa ka sa mga rason kung bakit ako nagsimula at kung nasaan ako ngayon. Isa kang inspirasyon sa lahat. Salamat sa mga tawa at ngiti na naibahagi mo sa aming lahat. Mahal ka namin,” wika naman ng isa.

Public Domain Image

Sinasabing ang naging dahilan ng kaniyang maagang pagkawala ay sakit sa puso. Kaniya-kaniya ring post sa social media ang mga kapwa-YouTubers na binigyang-pugay si “Kween LC.”

Vlogger with a cause: Lloyd Cadena namigay ng napakaraming relief goods sa kanilang komunidad

Isa siya sa mga masasabing institusyon na sa mundo ng vlogging  at ngayong 2020 ay nasa ikasampung taon na sana siya ng paggawa ng videos sa YouTube at patuloy na pinapahanga ang mga manonood, hindi lang sa kanyang pagpapatawa ngunit maging sa pagtulong niya sa mga nangangailangan.

Hindi lang miminsan na nagdaos siya ng charity events bilang pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta at subscribers.

Vlogger na si Lloyd Cadena, gumastos ng P100K para mamigay ng 1,000 school supply packs sa mga public school students

Namahagi si Cadena ng isang libong school supply packs sa mga grade 2 at 3 students ng La Huerta Elementary School na naging taon-taong tradisyon na rin ng vlogger upang makatulong sa mga mag-aaral.

Rest in peace, Lloyd! Mananatili sa aming mga alaala ang good vibes at kasiyahang idinulot mo sa amin!

Loading…