Palasyo nirerespeto ang desisyon ng Malaysia na huwag muna payagang makapasok ang mga Pinoy

Imahe mula sa Marketing Magazine Asia
  • Naglabas ng kautusan ang Malaysia na hindi na muna ito magpapapasok ng mga Pilipino dahil sa maraming kaso ng COVID-19 sa Pilipinas
  • Apektado rin ng nasabing kautusan ang mga bansang India at Indonesia
  • Iginagalang naman umano ng Palasyo ang desisyong ito ng Malaysia, ayon kay Roque

Nirerespeto ng Malakanyang ang desisyon ng Malaysia na huwag munang payagang makapasok sa kanilang bansa ang mga Pilipino dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng kaso ng coronavirus sa Timog Silangang Asya at sinusundan ng Indonesia habang ang India naman ang pangatlo sa buong mundo na mayroon nang mahigit 4 na milyong kaso.

Image by Harry Roque via Facebook

“Well, that’s a sovereign decision, who will be allowed to enter one’s territory,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

“I’m not saying we’re happy, I’m saying na we regret the decision but we respect the sovereign decision of Malaysia,” ayon pa sa opisyal.

Magugunitang naglabas ng kautusan ang gobyerno ng Malaysia na itigil na muna ang pagpapasok ng mga mamamayan mula sa Pilipinas, Indonesia at India.

Screenshot mula sa DOH website

Saklaw ng kautusang ito ang mga matagal nang may hawak na visa, turista, estudyante, expatriates at maging ang sariling pamilya ng mga Malaysian officials, ayon kay Malaysian Defense Minister Ismail Sabri Yaakob.

Hanggang nitong Sabado, Setyembre 5, nakapagtala na ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 234,570 na kaso ng COVID-19 sa bansa; 69,112 dito ay mga active cases habang 161,688 naman ang gumaling.

Loading…