Palasyo tikom ang bibig sa kumpanyang blacklisted pero nakapag-supply ng P727-M halaga ng PPE sa gobyerno

Imahe mula sa The Boston Globe| For illustrative purposes only
  • Ayaw munang magsalita ng Palasyo tungkol sa blacklisted companies na nakapagsupply ng PPE
  • Tatlong blacklisted company ang nagkaroon ng kontratang P727-M sa gobyerno
  • Hihingin daw ng Palasyo ang paliwanag ng DBM tungkol dito

Ayaw munang maglabas ng pahayag ang Malakanyang tungkol sa tatlong kumpanyang blacklisted ng Department of Budget and Management (DBM) subalit nagawa pang magkaroon ng kontrata para mag-supply ng personal protective equipment (PPE) sa mga sangay ng gobyerno.

Sa ulat na lumabas sa Inquirer, tatlong kumpanya – Ferjan Health Link Enterprises, Cebu Business Materials Trading Co., Inc., at Jozeth Trading – ay pawang blacklisted umano ng DBM dahil sa kabiguan nitong tuparin ang nasasaad sa mga dating kontrata nito sa gobyerno.

Imahe mula sa Wikipedia

Subalit base sa datos ng Government Procurement Policy Board (GPPB), isang opisina sa ilalim ng DBM, ang tatlong nabanggit na kumpanya ay nakakuha ng mga kontrata para mag-supply ng iba’t-ibang klase ng PPE sa mga sangay ng gobyerno at ilang lokal na pamahalaan.

Ang mga kontrata ay nangyari sa panahong ipinatupad ang ‘emergency procurement’ sa ilalim ng Bayanihan to Heal As One Act. Ito ay para sa mga buwan ng Marso hanggang Hunyo o sa kasagsagan ng pandemya sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa siya maaaring magbigay ng komento sa isyu dahil nabasa niya lamang ito sa balita.

“Hindi ko po alam kung questionable iyan kaya nga po tatanungin natin ang DBM ‘no, kasi hindi ko pa po naririnig kung ano ang explanation galing sa DBM,” ani Roque.

Imahe mula sa Facebook ni Atty. Harry Roque

Kailangan niya umanong tanungin ang DBM tungkol dito upang makahingi ng paliwanag.

“I think it’s premature to say we’re investigating. I will just clarify kung totoo, first and foremost, na  P750 million o P727 worth of PPE ay na-award sa isang  blacklisted company. And if so, bakit at ano ang dapat gawin,” wika pa ng opisyal.

Gayun pa man, kung sakali mang may iregularidad talaga sa kontrata, giit ni Roque, tiyak naman daw na sistahin at hindi ito palalampasin ng Commission on Audit (COA).

Source :

Inquirer, PNA, Remate

Loading…