Palasyo tiniyak na ‘di mawawala ang kontribusyon ng members kahit i-abolish ang PhilHealth

Image by Harry Roque via Facebook
  • Tiniyak ng Palasyo na hindi mawawala ang pondo ng PhilHealth sakali mang i-abolish ito
  • Ayon kay Rpque, mas mapapaganda pa nga ang magiging kalagayan ng state insurer
  • Ibinasura rin ng Malakanyang ang panukalang i-privatize ang ahensiya

Pinawi ng Malakanyang ang pangamba ng karamihan tungkol sa kung ano ang mangyayari sa kanilang kontribusyon sa PhilHealth sakaling i-abolish ito ng gobyerno.

Ibinahagi kasi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinag-iisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-abolish na ang ahensiya kung sakaling mabigo ang bagong talagang PhilHealth chief na si Dante Gierran na linisin ito bago matapos ang taon.

Imahe mula sa Facebook ni Atty. Harry Roque

Binigyan ng Pangulo si Gierran hanggang Disyembre para linisin ang katiwalian sa ahensiya na diumano’y nagwaldas sa bilyon-bilyong pondo ng mga miyembro nito.

Kinumpirma rin ni Senate President Vicente Sotto III ang plano ni Duterte matapos ang kanilang pag-uusap noong Miyerkules sa Malakanyang.

“He said he wanted PhilHealth abolished or privatized but I said it might be better to wait a few months and see how the new admin performs,” bahagi ni Sotto sa mga mamamahayag.

Sa panayam ng dzBB kay Roque nitong Sabado, tiniyak ng tagapagsalita ng Palasyo na hindi mawawala ang perang kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth sakali mang tuparin ng Pangulo ang kaniyang banta.

Imahe mula sa Philhealth

“Sakali mang bubuwagin o i-privatize ang PhilHealth dahil sa corruption, hindi papayagan ng pamahalaan na mawala ang contributions, bagkus, mapaigi pa ito,” ani Roque.

Nilinaw din ni Roque na kung sakaling magkaroon ng reorganization sa PHilHealth, magkakaroon ng transitory provision sa batas para dito.

Dati nang ibinasura ng Palasyo ang rekomendasyon na i-privatize ang PhilHealth.

Ani Roque, kaya nasa ilalim ng gobyerno ang state insurer ay sapagkat ang pagbibigay ng kalusugan ay karapatan ng mga mamamayan at obligasyon ng estado.

Loading…