Palasyo tiniyak na hindi tatantanan ang PhilHealth matapos mag-trending ang #wagkalimutanyungbinulsang15BsaPhilhealthChallenge

Imahe mula sa Philhealth
  • Nag-trending sa social media ang #wagkalimutanyungbinulsang15BsaPhilhealthChallenge na hashtag
  • Bilang sagot, tiniyak ng Malakanyang hindi nila tatantanan ang mga sangkot na opisyal ng ahensiya
  • Nakahanda na umano ang mg kasong isasampa laban sa mga ito

Tiniyak ng Malakanyang na papanagutin ng gobyerno ang mga sangkot sa diumano’y katiwalian sa PhilHealth matapos magtrending sa social media ang hashtag na #wagkalimutanyungbinulsang15BsaPhilhealthChallenge.

Nitong mga huling araw, nag-viral ang nabanggit na hashtag sa Facebook at Twitter matapos itong i-share ng mga netizens kasunod ng mga nag-trending na larawan sa ‘Manila Bay challenge’ .

Image by Harry Roque via Facebook

Ang #wagkalimutanyungbinulsang15BsaPhilhealthChallenge ang nagsilbing paalala sa pamahalaan na hindi pa rin kuntento ang taumbayan sa naging hakbang nito kaugnay sa mga opisyal na nasangkot sa kurapsyon sa state insurer.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi titigil ang gobyerno hangga’t hindi napapanagot ang mga tiwaling opisyal ng PhilHealth.

“There is no letup in our drive to make erring officials of PhilHealth accountable for their alleged misdeeds,” ani Roque sa isang pahayag nitong Biyernes.

Nakakasa na rin umano ang mga reklamong isasampa laban sa sangkot na opisyal at ngayon ay inaayos na ng Department of Justice (DOJ) at Philhealthe Task Force. Ang mga reklamo ay base sa report na ibingay ng task force kay Pangulog Rodrigo Duterte noong isang linggo, ayon kay Roque.

Imahe mula sa Philhealth

“Zero tolerance against corruption is not just a catchphrase but a serious matter in the current administration,” giit pa ng tagapagsalita ng Palasyo.

Noong nakaraang linggo, nagbigay na ng go-signal si Pangulong Duterte para sampahan ng reklamo si esigned PhilHealth chief Ricardo Morales at iba pang matataas na opisyal.

“I’m sorry for them, but they will have to undergo trial, although they can always prove their guilt beyond reasonable doubt. The presumption of innocence is still attached,” wika ng presidente.

Loading…