Pang. Duterte, Angel Locsin pinangalanang Most Admired Man at Woman sa Pinas

  • Sina Pang. Rodrigo Duterte at Angel Locsin ang pinangalang Most Admired Man and Woman sa bansa
  • Ayon ito sa survey na isinagawa ng market research firm na YouGov
  • Nakasama rin sa listahan sina Sen. Manny Pacquiao, Mayor Isko Moreno, Catriona Gray, Sarah Geronimo, Liza Soberano, at Vice President Leni Robredo

Nanguna sa listahan ng 2020 Most Admired Men and Women sa bansa sina Pang. Rodrigo Duterte at aktres na si Angel Locsin.

Imahe mula sa PCOO

Sa survey na ginawa ng market research and data analytics firm na YouGov ay lumabas na may admiration score si Pang. Duterte na 19.67 percent habang si Angel naman ay may 15.03 percent.

Pumangalawa naman sa listahan ng Most Admired Men sa bansa si People’s Champ Sen. Manny Pacquiao (10.65 percent) at pangatlo naman si Manila Mayor Isko Moreno (7.96 percent).

Samantala, pumangalawa naman sa Most Admired Women si Miss Universe 2018 Catriona Gray (11.09 percent). Nakasama rin dito ang mga showbiz personality na sina Sarah Geronimo (3rd, 7.48 percent) at Liza Soberano (6th, 6.67 percent).

Si Vice President Leni Robredo naman ay nasa ika-15 pwesto at may admiration score na 2.71 percent.

Samantala, ang mag-asawang Barack at Michelle Obama naman ang nanguna sa listahan ng World’s Most Admired Men and Women. Ito ang unang pagkakataon na hindi si Bill Gates ang nauna sa listahan.

Paliwanag ng YouGov, isinagawa nila ang unang bahagi ng fieldwork para sa survey bago pa ang pandemya noong Enero hanggang Marso. Ang kanilang itinanong daw ay “Thinking about people alive in the world today, which [man or woman] do you most admire?”

Sa fieldwork naman na ginawa Mayo hanggang Setyembre ay itinanong nilang “who do you truly admire?” na maaaring bigyan ng maraming sagot at “who do you MOST admire?” na maaari lang bigyan ng isang sagot.

“These two numbers were combined into a percentage share of admiration,” paliwanag nila.

“All of the surveys were conducted online, and in many of the countries the internet penetration is low to the point where the sample can only be said to be representative to the online population. The countries and territories where this applies are China (including Hong Kong), Egypt, Indonesia, Malaysia, Pakistan, the Philippines and Vietnam.”

Source :

YouGov

Loading…