Pang. Duterte wala pang nakitang mga iskwater na tinamaan ng COVID-19

Imahe mula sa Lowy Institute
  • Pangulong Duterte wala pang nakikitang taga-squatter’s area na tinamaan ng COVID-19
  • Marahil daw ay mula pagkabata hanggang sa lumaki ang mga taga-squatter’s area ay nahigop na nilang lahat ang mga kagaw o germs
  • Kahit malakas ang pangangatawan, nagpaalala ang Pangulo na dapat pa ring mag-ingat

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala pa siyang nakitang mga nakatira sa squatter’s area na tinamaan ng COVID-19.  Maaari umanong dahil ito sa klima o kaya naman ay sa pangangatawan ng mga residente sa naturang mga lugar.

Imahe mula sa Doon Po sa Amin Blog

“Huwag ho kayong mainsulto kasi totoo naman, pero wala akong nakitang taga-squatter na tinamaan. Maski sa Davao, magtanong ako ng mga bata, wala. Sabi nila, “ano ‘yan?” pahayag ng Pangulo sa kanyang televised public address noong Lunes, September 7.

Aniya, tila nahigop nang lahat ng mga batang lumaki sa squatter communities ang lahat ng mga kagaw (germs) kaya’t nagkaroon na ng malakas na panlaban o antibodies ang kanilang katawan laban sa mga mikrobyo.

“So nary… nary a care about COVID. Ito ‘yung lumaki sa ano, eh. So, all these years from infancy to how old they are now, hinigop nilang lahat ng kagaw kaya nagkaroon na sila ng panglaban. Maliit pa, ‘pag lumusot kasi ‘yan sila noong maliit pa nagkasakit five, six, seven, eight, ‘pag lumusot ‘yan ‘pag malaki na ‘yan, matatag ‘yan,”  anang Pangulo.

Screenshot mula sa YT video ng RTVM

Magkagayunpaman, hindi pa rin daw dapat maging kampante ang mga ito dahil naroroon pa rin ang posibilidad na mahawahan ng COVID-19 batay sa “law of averages.”

“Hindi na tinatablan pero do not be too complacent about it just because you think that you have the antibodies. You might really have the advantage but the law of averages always takes a toll — its toll. Malay mo matamaan ka talaga,” paalala ng Pangulo.

Imahe mula sa PRI

Loading…