Pangulong Duterte hihilingin sa Kongreso na buwagin na ang Philhealth

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM
  • Hihilingin ni Pangulong Duterte sa Kongreso na tuluyan nang buwagin ang Philhealth
  • Mas pabor umano siyang palitan ito ng bagong ahensiya kesa i-privatize
  • Sisimulan na rin niya umano ang pag-revamp at pag-reorganize ng ahensiya pansamantala

Hihilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na tuluyan nang i-abolish ang PhilHealth at palitan ito ng bagong ahensiya dahil na rin sa hindi matigil na kurapsiyon sa loob nito.

Sa kaniyang televised address nitong Lunes ng gabi, Setyembre 28, sinabi ng presidente na mas gusto pa niyang palitan ng bagong ahensiya ang state insurer kayas i-privatize ito dahil na rin umano sa kakulangan ng pondo.

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM

“Itong PhilHealth, I am going to propose to Congress to abolish [it]… Kung i-privatize mo naman, susmaryosep, walang pera. Sino insurance mo…? Huwag mo sabihin ng mga kapitalista sa insurance: Kami ang magbayad? Wala kayong pondo,” paliwanag ng Pangulo.

Inamin din ni Duterte na kaya nagbebenta na ng mga ari-arian ang PhilHealth, tulad ng property sa Japan, dahil kailangang makalikom ng pondo ang ahensiya. Isa umano ito sa mga dahilan kaya kailangan na itong buwagin at palitan ng bago.

“Wala nang pambayad ‘yang sa PhilHealth na ‘yan kung… Kaya walang ibang remedy diyan. It must be a surgical move. Talagang… Kung hindi, paalisin ko sans the itong mga civil-civil service, create a new agency out of that — out of the ruins of that old one,” ayon pa kay Duterte.

Screenshot mula sa Facebook video ng RTVM

Pinayuhan din ng Pangulo si Health Secretary Francisco Duque III, na chairperson ng board ng ahensiya, na hindi na uubrang manatili pa sa PhilHealth ang mga kurakot na empleyado. Aniya, ‘entrenched’ na ang mga ito sa kurapsiyon kaya dapat i-revamp ang kasalukuyang hanay.

“Talagang either I’m going to revamp, consider everybody resigned there and if there’s the structure, we can slowly… And ‘yung i-disband ‘yung ibang ano. Just a simple — I mean as simple as it could ever be. That’s what I mean,” patuloy na giit ng Pangulo.

Nangako si Pangulong Duterte na sisimulan na niya ang pag-revamp at pag-reorganize sa PhilHealth upang magkaroon na lamang ng ‘single line of authority’ ang mga nakaupo doon.

Loading…