Pangulong Duterte iginiit sa UN ang panalo ng ‘Pinas kontra China sa arbitration court

Screenshot mula sa RTVM Facebook video
  • Iginiit ni Pangulong Rodrigo ang panalo ng Pilipinas kontra China sa arbitration court
  • Tiniyak din ng Pangulo ang ‘commitment’ ng kaniyang administrasyon sa mga kasunduan
  • Nagpasalamat din si Duterte sa mga bansang patuloy na sumusuporta sa Pilipinas

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkapanalo ng Pilipinas kontra sa China base sa arbitral ruling na inilabas ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague noong 2016.

Sa kaniyang kauna-unahang talumpati sa harap ng 75th United Nations General Assembly (UNGA) na ginanap nitong Miyerkules (Philippine time), tiniyak ng Pangulo ang ‘commitment’ ng kaniyang administrasyon sa mga kasunduan pagdating sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea na halos inaangkin na ng komunistang bansa nitong mga nagdaang taon.

Screenshot mula sa RTVM facebook video

“The Philippines affirms that commitment in the South China Sea in accordance with UNCLOS and the 2016 Arbitral Award,” pagtitiyak ni Duterte sa kaniyang virtual speech sa harap ng mga lider ng iba’t-ibang bansa sa mundo.

“The award is now part of international law, beyond compromise and beyond the reach of passing governments to dilute, diminish or abandon. We firmly reject attempts to undermine it,” ayon pa sa presidente.

Pinasalamatan din ni Duterte ang mga bansang patuloy na sumusuporta sa Pilipinas nang paboran ito ng PCA laban sa China.

“We welcome the increasing number of states that have come in support of the award and what it stands for the triumph of reason over rashness, of law over disorder, of amity over ambition. This, as it should, is the majesty of the law,” anang Pangulo.

Imahe mula sa Get Real Post

Simula nang maupo sa Malakanyang, ito ang unang pagkakataon na nagpakita ng paninindigan ang Pangulo laban sa China sa gitna ng patuloy na pag-angkin ng huli sa mga isla at karagatan sa WPS.

Magugunitang minsan nang inamin ni Duterte na ‘inutil’ siya pagdating sa pagpapatupad ng arbitral ruling dahil sa kapangyarihang militar ng China at kawalan ng kahandaan ng Pilipinas na sumuong sa giyera kapag nagkataon.

Loading…