Pangulong Duterte magsasalita sa UN General Assembly sa kauna-unahang pagkakataon

Screenshot mula sa RTVM Facebook video
  • Magsasalita si Pangulong Duterte sa UN General Assembly ngayong Martes
  • Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gagawin ito ng Pangulo simula nang siya ay maupo sa Malakanyang
  • Kabilang sa mga tatalakayin ng Pangulo ay ang ‘global response’ sa COVID-19 pandemic at climate change

Makaraan ang apat na taon, magsasalita si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly sa Martes, ika-22 ng Setyembre.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magtatalumpati ang Pangulo simula nang siya ay maupo sa Malakanyang bilang punong ehekutibo. Dati ay mga kinatawan lamang ang ipinapadala ni Duterte sa UN para magbigay ng talumpati.

Imahe mula sa CPJ

Ang pagtitipon ay gaganapin online dahil na rin sa pangambang dulot ng COVID-19 pandemic.

“This will be the President’s first time to address the UN General Assembly, the main deliberative board of the UN where all the 193 member-states are represented,” bahagi ni Presidential Assistant on Foreign Affairs at Chief of Presidential Protocol Robert Borje.

Ayon kay Borje, kabilang sa tatalakayin ng Pangulo ay tungkol sa “global response to the coronavirus pandemic, peace and security including terrorism and geopolitical developments in the Asia Pacific.”

Inaasahang magbabahagi rin si Duterte sa mga paksang “sustainable development and climate change, rule of law, justice and human rights including the situation of migrant workers, and refugees as well as peacekeeping and United Nations reforms.”

Si Duterte ay kabilang umano sa unang set ng mga speakers na magsasalita sa Martes.

Tungkol naman sa tanong kung bakit biglang nagdesisyon ang Pangulo na sumali ngayon sa nasabing pagtitipon, paliwanag ni Borje,  “the participation of the President has always been considered since the beginning of his term. But of course, this year takes on special significance.”

Magugunitang hindi maganda ang naging relasyon ni Duterte sa UN matapos niyang pagbintangan ang organisasyon ng panghihimasok umano sa mga usaping panloob ng Pilipinas.

Loading…