Paolo Ballesteros ipinahiram ang blonde wig niya sa ‘Bawal Judgmental’ guest na may alopecia

Screenshot mul;a sa Eat Bulaga video
  • Ipinagdiwang ng Eat Bulaga ang Alopecia Awareness Month sa “Bawal Judgmental” segment ng noontime show noong September 10
  • Ipinahiram ni Paolo Ballesteros ang suot niyang wig sa isa sa mga guests na may alopecia universalis
  • Marami ang pumuri sa kagandahang-loob na ipinakita ni Paolo Ballesteros

Marami ang pumuri sa ginawa ni Paolo Ballesteros nang ipahiram niya sa isa sa mga guests sa “Bawal Judgmental” segment ng noontime show na Eat Bulaga noong Huwebes, September 10, ang blonde niyang wig.

Screenshot mul;a sa Eat Bulaga video

Ang naturang segment ay bilang paggunita sa Alopecia Awareness Month ngayong Setyembre.

Kuwento ng guest na si Lhia, ipinanganak siyang may alopecia o nalalagas ang buhok. Noong una ay inakala ng nanay niya na ang pagiging manipis ng buhok niya ay dahil ipinaglihi siya sa itlog. Inahit umano ng ina ang manipis niyang buhok noong sanggol pa lang siya at hindi na iyon tumubong muli.

Nakaranas ng panunukso si Lhia habang lumalaki dahil sa kakaiba niyang itsura. Gumagamit daw siya ng mga wig at pekeng eyelashes at iginuguhit lang ng eyebrow pencil ang kanyang kilay.

Bago mag-ten years old ay na-diagnose siya na mayroong alopecia universalis.

May tatlong uri ng alopecia. Ang una ay alopecia areata na pinakaraniwang uri nito na ang palatandaan ay makikita sa ulo na “round bald patches” na tinatawang nating “poknat.” Ang ikalawa ay alopecia areata totalis o ang pagkalagas ng lahat ng buhok sa ulo.

Screenshot mul;a sa Eat Bulaga video

Ang kay Lhia ay alopecia areata universalis na lahat ng buhok sa buong katawan ay nalalagas o nalagas na.

Habang kausap si Lhia, tinanong ito ni Paolo Ballesteros kung nakapag-suot na ba ang dalaga ng blonde na wig tulad ng suot niya. Oo ang turan ni Lhia. Inalok siya ni Paolo kung gusto niyang hiramin ang suot na blonde wig.

Sabi ni Lhia ay cute daw ang blonde wig ni Paolo. Sa puntong iyon ay tinanggal ni Paolo ang wig niya at ipinahiram sa guest.

Nagbiro pa si Paolo na mag-aala-Myley Cyrus si Lhia kapag suot ang blonde wig

Screenshot mul;a sa Eat Bulaga video

Tara na’t makisaya sa kanila!

Loading…